Bago ako pumasok sa office ay nag-iwan ako ng thank you note at isang red rose na galing sa garden ni mommy sa kuwarto ni Abby. At sa tuwa ko ginawa kong wallpaper ng aking cellphone ang picture ng aming mga kamay.
Pumasok ako ng office ng maaga. Sa hapon ko na isasagawa ang plano ko. Schedule uli ni Daddy ng taping sa noontime show. Nagpa-alam ako kay Mommy na may lakad kami ng barkada.
Dala ko uli ang kotse ni Ton pero hindi ko na siya isinama. Baka makagulo lang siya. Matiyaga kong hinintay ang paglabas ni Daddy at katulad ng nauna hindi pauwi sa bahay namin o papuntang office ang tinatahak ng kanyang kotse.
Sumulak ang dugo ko ng doon uli sa dating condominium siya papunta. This time hindi ako nagmadali na sundan siya. Nakapark na ang kotse ni Dad ng pumarada ako.
Huminga ako ng malalim. Bigla akong nagdalawang isip na ituloy ang plano. Pero naisip ko si Mommy. Ayaw kong masaktan siya. Dapat kong pigilan si Daddy.
Ilang minuto na akong nakatayo. Lakas loob kong pinindot ang door bell. It's now or never sabi ko sa sarili. Sa pangalawa kong pindot bumukas ang pinto.
Bumungad sa akin ang babaeng nakita namin sa spa. Tama nga si Renz, matangkad siya. Ilan lang ang lamang ko sa height niya. Nagulat siya ng makita ako ngunit bigla siyang ngumiti sa akin.
Lalo akong nagngitngit ngunit mas nagulat ako ng magsalita siya."Nial?" Natigilan ako. Himig patanong ang pagkakasabi niya sa aking pangalan.
Mas natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Daddy. "Chloe, anak. Are you expecting visitor? " Nagulat din si Daddy ng makita ako.
"Nial." Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ng tinawag niyang anak. "Magkakilala na kayo?"
Sa wakas naka-recover ako sa shock at nagawa ko ng magsalita. "What's the meaning of this Dad? "
Nakangiti pa rin sa akin ang tinawag niyang anak. "Please come in." Tunog banyaga ang tono niya. Hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko.
"Nial, anak let me explain. " Inakbayan ako ni Daddy ngunit tinabig ko siya. Naghuhuramentado ang kalooban ko. May anak siya sa labas. Ibig sabihin matagal niya na kaming niloloko.
Sumaklolo kay Daddy ang tinawag niyang Chloe. "Nial, please listen first to Dad."
Hinawakan ako ni Daddy sa braso. "Nial, please. " This time hindi na ako nagresist. Naupo ako para makinig sa paliwanag ng aking ama. Umalis si Chloe at pagbalik ay may dala na itong chilled pineapple juice.
Tumikhim muna si Dad bago nagsalita. "Nial,anak sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo ang tungkol kay Chloe. "
Galit pa rin ang kalooban ko. Sa pagkakataong ito gusto kong maliwanagan ang lahat. "You mean Dad, all throughout these years you have another family aside from us? "
"No, it's not what you think Son. " Nagpaliwanag si Daddy at nalaman ko ang totoong kuwento. Anak ni Daddy si Chloe sa dati niyang girlfriend. Isang buwan lang ang tanda niya sa akin.
"Does Mom knew this Dad? " Iniisip ko si Mommy at mga kapatid ko.
"Pinag-usapan na namin ito, anak. " Malumanay na sabi ni Daddy.
Kung ganoon inilihim din ni Mommy sa amin ang tungkol kay Chloe. "But how about Marra and MK? "
"I'll talk to them. Nial, please accept Chloe as your sister." Tinanggap ko si Chloe bilang kapatid. Bunga lang naman siya ng kapusukan ng Daddy ko at ng ina niya. Wala naman siyang kasalanan.
"Don't worry Nial, I won't make mess. I just came here to meet you and your siblings. " Nakita ko naman na sincere si Chloe sa sinabi niya. Saka ko lang napagmasdan na may hawig siya kay Marra.
Kinausap nina Dad at Mom ang mga kapatid ko tungkol kay Chloe. Naging madali naman sa kanila ang tanggapin ito. At dahil maiksi lang ang stay ni Chloe sa bansa ay pinalipat siya ni Mommy sa bahay para daw magkasama sama kami. Naging masaya uli kami sa hapag kainan.
At meron pang isang mas masaya. "Yes. May partner na ako sa graduation ball. " Tumalon pa si Renz na parang bata. "Bro, ipakilala mo na ako please. " Pakiusap nito at lumuhod pa sa harap ko.
"Hoy, kapatid ko iyon at kilala kita pagdating sa babae. " Akala siguro ng lokong ito makakalusot siya.
"Bro naman. Maawa ka naman sa puso ko." Paawa effect pa ang loko.
Natawa na lang ako sa kadramahan ng nag-aangas-angasan kong kaibigan. "Luko-Luko. Tumayo ka na nga. "
BINABASA MO ANG
Till My Love Grow
Ficción GeneralSi Nial Zion Portman, matalino, guwapo, mayaman, lahat nasa kanya na. Siya ay konserbatibo, mapagmahal at mapag-alagang kuya sa mga kapatid, at walang interes sa babae. Sisterly love nga ba ang nararamdaman ni Nial para kay Abby? Or Does love...
