11.3-Visitor

1.2K 30 4
                                        

Hindi na bago ang paminsan-minsang pagsundo sa akin ni Kuya MK sa school. Pero iba ang pakiramdam ko sa kanya ngayon. Mukhang masaya siya habang tahimik na nagmamaneho. Napansin kong iba ang daan na tinahak ng kanyang kotse at pumasok ang kanyang sasakyan sa isang parke. Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"We'll just talk, Abby." Sabi niya. Parang nahulaan ang gusto kong itanong. Nagtanggal siya ng seatbelt at tinanggal ko na rin yung seatbelt ko. Nasa loob lang kami ng kanyang kotse.

"About what, Kuya?" Sadya bang mahalaga ang pag-uusapan namin at hindi puwede sa bahay?.

Humarap siya sa akin at matagal niya akong tinitigan at pagkuwa'y hinawakan ang dalawa kong kamay. "Abby... I'm falling in love with you."

Hindi ako makapagsalita. Nakatitig siya sa akin na waring inaarok ang damdamin ko. "Abby, Alam ko magkapatid ang turing natin sa isa't isa... Pero mahal kita ng higit pa sa kapatid." Hawak pa rin niya ang mga kamay ko at dinala ito sa kanyang dibdib.

'Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?' Ayaw gumana ng isip ko. "Pe-pero Kuya."

"Abby, hindi kita minamadali. But give me chance to prove my feelings for you." Nakikiusap ang mga salita niya.

Nagulo ang isip ko sa pangyayari. Mahal ko si MK pero bilang eldest brother lang at wala ng hihigit pa doon. Inisip ko na maaring malungkot pa rin siya dahil sa ginawa sa kanya ni Tiffany kaya naghahanap siya ng atensiyon sa akin.

Bigla kong hinila ang mga kamay ko at ibinaling ang tingin ko sa labas ng sasakyan. "Kuya, kasi... mahirap ang sinasabi mo... You are just a big brother to me." Tumingin uli ako sa kanya.

Halatang nasaktan siya sa sinabi ko, lumamlam ang kanyang mga mata."Abby, hindi tayo magkapatid. I don't see anything wrong if we became lovers."

"But I can only love you as a brother." Wala talaga akong makapa na excitement sa sarili ko.

Sa apat na taon na wala si Nial ay sinubukan ko rin na tumingin sa ibang binatang lalaki pero sadyang ayaw ng puso at isip ko sa iba.

Hinawakan niya uli ang isa kong kamay. "Abby, please... Open your heart for me... I promised magiging masaya ka sa piling ko. Please... Abby.." Nakikiusap ang mga mata niya, napakurap ako.

Napakaguwapo ni MK. Maraming babae ang nagkakagusto, in fact may iba na sila pa ang nagbibigay ng motibo para gustuhin nito. Sa mundo niyang ginagalawan ay maraming magaganda at handa na maging girlfriend niya.

"Kuya, please, wag na muna nating pag-uusapan ang bagay na ito. Nabigla ako at hindi pa ako handa sa pagbo-boyfriend." Ito lang ang nasabi ko sa kanya. Alam ko masakit sa kanya pero hindi ko kayang mahalin siya dahil isa lang ang hinihintay ng puso ko.

Binitiwan niya ang kamay ko at tumingin siya sa malayo. "Okay... I'm sorry kung... binigla kita." At nagpakawala siya ng buntunghininga. " Please fasten your seatbelt, we're going home." Sabi niya na habang ikinakabit ang kanyang seatbelt. Hindi na ako kumibo at sinunod ko ang sinabi niya.

Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa habang pauwi kami. Alam kong nasaktan siya pero hindi ko rin kayang pilitin ang sarili kong damdamin na mahalin siya ng higit pa sa isang kapatid. Isang tao lang ang pinaglalaanan ng puso ko.

Mula ng magtapat si MK ng damdamin niya sa akin ay naging mas extra sweet pa siya. Ang katwiran niya ay wala pa raw akong official boyfriend kaya huwag ko raw siyang pipigilan sa panliligaw niya. Patay-malisya na lang ako dahil para sa akin ay isa pa rin siyang maalagang kuya sa akin.

****

Ikinasal sina Kuya Renz at Ate Chloe last month at lahat kami ay pumuntang Boston para sa wedding ng dalawa. Ang saya ko dahil nagkita kami at nakapamasyal kami ni Nial. Kalahating taon na lang magkikita na uli kami.

Tumawag si Mommy Alex sa akin. Pinapauwi ako ng maaga after my classes due to important matter. Ano kaya iyon? Hindi ko siya natanong.

"Kuya Peping, hindi po pumasok ng office si Mommy?" Tanong ko sa driver habang nasa daan kami.

"Ah, maaga siyang umuwi. May mga bisita kasi na dumating." Sagot ng driver na nakatingin sa akin sa pamamagitan ng rear side mirror.

"Sino po?" Pag-uusisa ko.

"Hindi ko kilala, galing daw ibang bansa." Sagot naman ng driver na abala sa pagma- maneuver ng kotse.

"Ganun po ba." Hindi na uli ako nagtanong at pumikit na lang ako.

Agad akong bumaba sa sasakyan pagdating namin ng mansion. Narinig ko na may kausap si Mommy sa living room. Saglit akong tumigil sa may pintuan pero napansin ako ni Mommy Alex.

"Abby, you're here. Come here, may bisita ka." Napamaang ako sa sinabi ni Mommy.

Ngumiti ako at dahan-dahang lumapit sa kanila. Ngumiti sa aking ang lalaking bisita at ang babaeng bisita ay parang natuka ng ahas na nakatitig sa akin. Pagkatapos ay tumayo siyang luhaan. "Abby... Anak.." Narinig kong tawag niya sa akin.

"Ha..! Ka-yo?" Tanging nasambit ko.

******

Hanggang dito na lang ang POV ni Abby. Baka ma-spoil ang susunod na kabanata.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon