4-Operation Tiktik

1.5K 44 8
                                        

Nagpaalam ako kay Mommy na may graduation rehearsal  sa school. Ngunit ang totoo iba ang gusto kong gawin sa araw na ito at sa lalong madaling panahon gusto kong simulan ang plano ko.

"Ton, pahiram ng kotse mo this week. " Nagtatakang napatingin si Anthony sa akin.

"Kotse ko? Eh di hamak na mas astig yang kotse mo kesa kotse ko. " Ayokong sabihin sa kanya ang dahilan ng paghiram ko.

"Sige na bro, palit muna tayo." Pamimilit ko sa kanya.

"Sabihin mo muna ang dahilan. " Makulit din ang isang ito.

"May pupuntahan akong project sa probinsiya. " Pagdadahilan ko sa kanya.

"Ayun, pang probinsiya lang ang kotse ko. " Sabi pa nito na mukhang nasaktan.

"Sige na bro, one week lang. Basta tuwing umaga magpapalit tayo at ibabalik ko sa'yo sa hapon." Tinitigan pa ako ng mapaghinalang titig ni Anthony.

"Bro, ano bang gagawin mo kasi?" Ang hirap kumbinsihin ng mokong na ito, sa loob loob ko.

"Meron lang akong tutuklasin. " Nasabi ko tuloy.

"Di kung ganoon, kasali ako diyan. Tungkol ba yan sa erpats mo? " Ibinulong pa sa akin ang huli niyang sinabi. Hindi rin naman ito titigil sa pangungulit kaya sumang-ayon na lang ako. 

"Sige, isasama kita pero tayo lang ang nakakaalam nito ha? " Paalala ko sa kanya.

"Sure bro, Makakaasa ka. " Nag-cross sign pa ito sa kamay niya.

**

Sinimulan na namin ni Tonton ang operation tiktik. Sinusundan namin si Daddy mula bahay hanggang sa kung saan siya pupunta. Kahapon ay maghapon siya sa office. Second day namin ni Ton sa pagmamatyag.

This time walang kasamang driver si Daddy at nagreport muna siya sa kanyang office at after two hours ay umalis uli para sa kanyang hosting sa noontime show. TTHS kasi ang kanyang taping  schedule.
Matiyaga kaming naghintay ni Ton sa parking lot sa harap ng studio. At handa ako sa pwedeng mangyari. Nagsuot ako ng kulot na wig at naglagay ako ng pekeng bigote. Past four na ng makita kong palabas si Daddy. Kinalabit ko ang nakatulog ng si Ton para maghanda.

Lumalakas ang kaba ko.Ibang daan ang tinatahak ng kotse ni Daddy. Pumasok ang kotse niya sa isang Condominium . "Sundan mo. "Utos ko kay Ton habang nagsusuot ako ng leather jacket na kasama sa props ko.

Umakyat ng parking area ang kotse ni Daddy at nakasunod dito ang kotse ni Ton. Nagpark ang kotse ni Ton sa di kalayuan ng kotse ni Dad. Ng lumabas si Dad ay isinuot ko ang aviators shade at lumabas ako. Dumistansiya ako ng mga anim na metro sa naglalakad na si Dad. Nakita ko papunta siya ng elevator. Tamang tama maraming kasabay. Pumwesto ako sa hulihan. Pumasok si Dad at ang ibang naghihintay sa elevator, sumunod din ako. Sumiksik ako sa likuran. Susundan ko lang siya kung saang floor siya pupunta.  Ng tumunog ang tenth floor ay lumabas si Dad at sumunod ako. Tumigil siya sa isang room at nag door bell. Nagkunwari akong nagdo-door bell sa katabing room.

Napamura ako sa isip ng makita sa sulok ng mga mata ko kung paano siya sinalubong ng yakap ng babae at niyakap niya din ito. Gusto kung hablutin si Daddy pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumalikod na ako. Alam ko na ang susunod kong hakbang and this time hindi ko na kailangan si Ton.

*****

Sorry for the short update. Also sorry for some typographical errors. Please leave your comments and votes. Thank you ;)

Till My Love GrowMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon