It's Sunday and we are at Ace Castle. Dito kami tumuloy pagkatapos namin magsimba. Ito lang ang lugar na tingin ko ay safe para kay Abby.
"Wow! Ang ganda rito." Tuwang tuwa si Abby habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng Ace Castle. "Dati na ba tayong pumupunta dito, Nial?"
"Yes, madalas tayo dito pag may occasion sa family natin." Magkahawak kamay kami na umakyat ng second floor kung saan kitang kita ang Taal Volcano.
"Ang sarap ng hangin." Komento niya habang nakapikit at dinadama ang simoy ng hangin.
Inakbayan ko siya at iniyakap niya sa aking baywang ang isa niyang kamay. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin at halikan, sabihin ang laman ng puso ko.
"Selfie tayo," wika niya at pinindot niya ang camera ng kanyang cellphone. Nagkatuwaan kami na magkuhanan ng pictures at nakita ko uli ang masayahing Abby.
"Ay! nalaglag." gulat na wika ni Abby. Naputol ang suot niyang kuwentas.
Dinampot ko ang kuwentas at ang dog tag. "Don't worry Baby, aayusin ko na lang." sabi ko habang tinitingnan ang naputol na kuwentas.
"Are you hungry? Kumain muna tayo." Ibinulsa ko ang kuwentas at magkaholding hands kaming tinungo ang dining room sa first floor.
Naghahanda na si Nanay Perla ng tanghalian sa dining table. "Hi Nanay." Bati namin sa kanya.
"Hi Nial. Hi Abby." Hindi rin siya maalala ni Abby pero habang nasa biyahe kami ay sinabi ko na sa kanya kung sino ang mga tauhan namin sa Ace.
"Bueno, kumain na kayo. Tawagin nyo ako pag may kailangan kayo." sabi ni Nay Perla bago tumalikod.
Pagkatapos kumain ay tumambay kami sa gilid ng pool. May mangilan-ngilan na mga guests na nagsu-swimming.
"Nial, I have something to tell you," wika ni Abby habang nilalaro ng mga paa ang tubig sa pool.
"What is it?" tanong ko at inakbayan ko siya.
"Promise me you'll not get mad at me." nag-aalangang wika niya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
"Well it depends." Nakangisi kong sagot habang nakatitig ako sa nangingislap niyang mga mata. "So, tell me."
"Umm, wag na lang," She said while showing her sweetest smile. Kahit kailan, huling-huli ni Abby ang weakness ko.
"Okay, I'll not get mad. Tell me now." Masuyo kong hinaplos-haplos ang mahaba niyang buhok habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Naalala mo ba noong muntik na akong malunod four years ago?" Inilayo ko ang mukha ko at tiningnan ko siya.
"Yeah, do you remember your past now?" bigla akong natuwa pero umiling siya.
"Nabasa ko sa diary ko. At hindi totoong nalunod ako. Nagkunwari lang ako. Sorry ha." Hindi na ako nagulat sa revelation niya. That was past and what matter now is her presence with me.
"Aha! so you tricked me." Kunwari galit kong sabi. At yumakap siya sa akin habang nanlalamlam ang mga matang nakatitig sa akin.
"Sorry." Katulad ng bata pa siya, yakap ang madalas niyang gawin sa akin pag may pagkakamali siya. Kaylan ko ba di pinatawad si Abby sa mga mali niya?
"Your sorry is not acceptable Baby, you have to be punished." Nagkunwari akong galit at pinitik ko ng daliri ang tungki ng ilong niya.
Bumungisngis siya sa ginawa ko. "Sorry na nga," at sumandal sa balikat ko.
"Baby, Never do it again. Drowning is not a good joke," seryoso kong wika.
"I won't, I promise." Tumingala sa akin at itinaas pa ni Abby ang kanan niyang kamay.
"Okay, you're forgiven," sabi ko at kinabig ko siya at inihilig sa dibdib ko. Ngumiti siya at niyapos ako sa aking baywang.
"Excuse me Nial," tawag sa akin ni Nay Perla. "Dumating na sila."
"Really. Nay, susunod na po kami." natuwa ako sa balita ni Nay Perla. Nagtatanong naman ang mga tingin ni Abby. "Let's get inside, I have a surprise for you." sabi ko at iginiya ko siya papasok.
"Abby!!!" Nagtatatalon sa tuwa sina Mica at Shayne. Nakangiti si Abby pero nagtataka ang mga tingin.
"BFF, we missed you." sumugod ng yakap si Mica.
"My God, girl. Ang dami nating na-missed na gimik." Nakayakap na rin si Shayne.
"Hi, you are Shayne and Mica, right?" Nakangiting pinaglipat-lipat ni Abby ang kanyang tingin sa dalawang kaibigan.
Hindi man niya maalaala ang dalawa ay alam niyang kaibigan niya ang mga ito. Ipinakilala ko ang mga ito kay Abby mula sa kanyang photo albums.
"Thank you girls at dumating kayo," natutuwang sabi ko. Tinawagan ko ang dalawa para makapag-bonding silang tatlo. Kailangan ni Abby ng kausap at malibang kahit paano.
"OMG, we're so excited ni Mica ng sabihin ni Nial na nandito ka na." Nagsimula ng dumaldal si Shayne.
"Oo nga BFF, we will help you to remember everything. Sisimulan natin sa ating mga gimik." Sumigunda na si Mica.
Iniwan ko muna sa sala ang tatlo. Lumabas ako para magpaluto ng meryenda kay Nay Perla.
===
Matapos ang mahabang oras na huntahan ng tatlo ay nagpaalam na sina Mica at Shayne. Napahikab si Abby."Are you sleepy?" tumango ito. "Take a nap at mamaya uuwi na tayo bago dumilim," wika ko uli dito.
Pumasok na kami sa loob ng room para makapagpahinga si Abby.
Payapang natutulog na si Abby. Ang batang inalagaan at binantayan ko noon at pakamamahalin habang ako'y nabubuhay. Buong pagmamahal na pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Abby. Mahal na mahal ko siya at kahit buhay ko ay ibibigay ko sa kanya.
Marahan ko siyang dinampian ng halik sa noo at dahan dahan ko siyang niyakap para samahan siya sa pagtulog.
'Sana bumalik na ang kanyang ala-ala. Nasasabik na akong magtapat sa kanya, sabihin ang pagmamahal na nararadaman ko, mahalikan at mayakap siya ng walang alinlangan. I love you so much baby.'
***
Please tap the star if you liked and leave your comments. It makes me happy. :)
BINABASA MO ANG
Till My Love Grow
General FictionSi Nial Zion Portman, matalino, guwapo, mayaman, lahat nasa kanya na. Siya ay konserbatibo, mapagmahal at mapag-alagang kuya sa mga kapatid, at walang interes sa babae. Sisterly love nga ba ang nararamdaman ni Nial para kay Abby? Or Does love...