1-Family Bonding

2.6K 70 7
                                        

December, katatapos pa lang ng pasko kaya bakasyon kami sa Ace Castle sa Tagaytay. Si Daddy, Mommy, Grandma,ang mga kapatid kong si Marra at MK at ang aming temporarily adopted little sister na si Abby.

Active ang mga parents ko sa pagsuporta ng Child Safe Haven, isang orphanage kung saan galing si Abby. Every December ay nag-aadopt kami ng bata from the orphanage. Pangatlong beses na sa amin si Abby.

"Nial, can you please look after Abby for a moment? " Tumatawag si Mommy na nasa mababaw na parte ng pool. Nasa malalim akong parte ng pool kasama si Daddy.

"Yes Mommy. " Lumangoy akong palapit sa kanila kung saan nagbabatuhan ng rubber balls sina MK, Marra at Abby.

" I'll check in the kitchen if our snacks are ready." Umalis na si Mommy at naupo ako sa gilid ng pool para bantayan si Abby.

Six years old na si Abby. May pagkahyper at makulit kaya ayaw ni Mommy na iwan mag isa. Lumangoy patungo kay Daddy ang dalawa kung kapatid.

Nakita ito ni Abby. "Kuya Nial. " Hinahatak ni Abby ang paa ko. "Langoy tayo doon papunta kay Daddy Nico. " Bumaba ako ng pool at inilubog sa tubig ang katawan ko para magpantay kami.

"Baby Abby, malalim doon, dito ka lang lumangoy. " Tanggi ko sa hiling niya. Nakasanayan ko ng tawagin siyang Baby dahil mukha siyang cute na baby doll.

Ngunit sadyang makulit na bata si Abby. "Sige na. " At umakyat na siya sa likod ko.

"Sige na nga, huwag kang malikot, lalangoy tayo. " Ano pa nga ba ang gagawin ko kundi sundin ang hiling ng bata kung hindi magtatampo siya at hindi ako babatiin ng ilang araw. "Baby, bumibigat ka na ah." Komento ko habang lumalangoy.

"Hindi naman eh. Kayang kaya mo pa nga ako. " Katwiran pa niya sa maliit na tinig.

Dahil napagod ako, tumayo muna ako. Matangkad na ako, kaya ko ng tumayo sa five feet deep na tubig ngunit si Abby ay nanatiling nakakapit sa akin.

"Bakit ka huminto? Ang daya naman. " Lumipat ito ng puwesto at pumunta sa harapan ko.

Hinawakan ko siya sa baywang upang huwag siyang lumubog. "Baby, pahinga naman. Mabigat ka na talaga. "

Ikinawit niya ang dalawang kamay sa leeg ko at nakangusong nangatwiran. "Hindi kaya ako mabigat. "

Napangiti ako sa kakulitan niya at ikiniskis ko ang ilong ko sa ilong niya. "Ang kyut kyut mo talaga." Tumawa ito at ginaya ang ginawa ko sa kanya.

"Mga kids, ahon muna at mag-meryenda tayo." Tumatawag si Mommy, Nakasunod sa kanya ang aming cook na si Nanay Perla at si Grandma.Naghahanda na ng mga pagkain sa mesa.

Isang special occasion sa amin ang ganito dahil bonding time namin ng buong pamilya. Busy si Daddy sa kanyang TV hosting at sa aming mga negosyo at ganoon din si Mommy. Si Mommy ang tumatayong president ng aming company dahil hindi pa rin maiwan ni Daddy ang showbiz.

"Love, Tug Jeans Company wants to get Nial as print ad model for their new teenage edition. " Kinakausap ni Daddy si Mommy. Napatingin ako kay Daddy at pagkatapos kay Mommy. Ang totoo excited din akong maranasan ang maging isang model.

"Well, okay lang sa akin. Basta wag lang showbiz. Pag-aaral muna. " Narinig ko uli ang litanya ni Mommy tungkol sa pag-ayaw niya na pumasok ako ng showbiz.

Si Daddy ang pinakamatagal na print ad model sa Tug Jeans. Isinama niya ako minsan sa photo shoot at doon nakita ako ng isang talent manager. Pero wala din naman akong interes na mag-artista, mas gusto kong makatulong sa aming business at matuto ng pagpapatakbo nito.

"Gusto mo rin bang mag-artista Nial? " Sumingit si Grandma sa usapan.

Umiling ako. "No Momsie, I prefer to run a business. " Sagot ko sa kanya.

"Sabagay, you're the eldest kaya dapat lang na matuto ka. " Sang-ayong komento ni Grandma.

"That's better son. Perhaps ten years from now you can take over the seat from your Mommy. Para naman magkaroon ng maraming time sa akin ang Mommy ninyo. " Nakangiting umakbay si Daddy kay Mommy.

Inirapan naman siya ni Mommy. Lihim akong natuwa, idol ko talaga sila dahil hindi nagbabago ang kanilang pagtitinginan.

"Kuya Nial. " Si baby Abby sinusubuan ako ng spaghetti.

Tinanggap ko naman ito. "Thank you baby. "

"Alex, bakit hindi ninyo na lang ampunin itong si Abby. " Napatingin ako kay Momsie habang kausap niya si Mommy. Sumenyas si Mommy at nag-usap sila ng sarilinan. Sinundan ko sila ng tingin subalit sinubuan uli ako ni Abby.

**

Ang bilis ng mga araw, uuwi na uli sa orphanage si Abby. Dumating ang Orphanage Administrator na si Mam Merla para sunduin siya.

As usual nalulungkot kaming lahat lalo na pag umiiyak na si Abby. Isa isa niya kaming niyayakap at magpapaalam. Kinarga ko siya papuntang sasakyan. "Baby Abby, ingat ka lagi ha. Wag kang malikot para di ka nadadapa. " Bilin ko kay Baby Abby.

"Opo kuya Nial. " Sagot ng maliit niyang tinig.

"Oh goodbye kiss ko." Sabi ko naman at humalik siya sa pisngi ko at hinalikan ko din siya sa pisngi.

"Bye, bye. " Panay ang kaway ni Abby kahit papalayo na ang sasakyan. Huminga ako ng malalim para pigilan ang paglabas ng aking luha.

Till My Love GrowMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon