Parang kailan lang papaalis ako ng bansa.
Naalala ko ang una kong taon sa Boston, masyadong malungkot. Mabuti na lang nandoon si Renz na binakuran na si Chloe kaya doon na rin nagtrabaho. Ang luko-lukong si Renz paghinalaan ba naman akong bakla. Kung hindi ko lang siya kaibigan baka nakatikim siya ng Karate-Do expertise ko.
Hindi ko makalimutan ang ginawa sa akin ng mokong na yon noong unang magbirthday ako sa Boston. Dinala ako sa isang kuwarto. "Bro, regalo ko sa'yo. Si Trish." Ang kaklase ko pala na may crush sa akin.
Sinubukan kong makipagrelasyon kay Trish pero wala pang isang taon nagkahiwalay na kami. Ilang beses pa akong sumubok ngunit init lang ng katawan ko ang kayang ibsan ng mga nakarelasyon ko. Sadyang ayaw tumibok ng puso ko sa iba at iisa lang ang tinitibok nito.
Naalala ko noong una akong magbakasyon. Nasabi ko ang nararamdaman ko sa kanya kaso tulog siya noon. Nakatulog siya sa kuwarto ko habang nagkukuwentuhan kami. Nagawa ko pang nakawan siya ng halik sa labi. Pigil na pigil ako sa sarili ko. Gustong gusto ko siyang halikan at hawakan pero gusto kong gawin iyon ng kusa niyang ipapaubaya.
Ngayon pabalik na ako.Excited na akong makita uli ang pamilya ko lalong lalo na si Abby. Tiyak excited yon sa pasalubong ko. Sa loob ng apat na taon tatlong beses akong nakauwi. Walang ipinagbago si Abby, malambing pa rin at maalalahanin. Unti unti na rin siyang nag mature at dalaga na kumilos.
Naalala ko pa ng mag-abay siya sa kasal nina Chloe at Renz six months ago. Kumpleto kami lahat sa Boston para kay Chloe.Ang ganda ni Abby sa suot niyang gown. Ako ang tumayong bestman ni Renz at habang pinapanood ko siyang naglalakad ay nai-imagine ko siyang naka wedding gown at ako ang groom na naghihintay sa kanya. Sayang wala ako noong eighteenth birthday niya. But this time tutuparin ko na ang pangako ko sa kanya na hindi na ako aalis.
Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng mag announce ang isang flight attendant sa nalalapit na paglapag ng eroplano.
Nagtataka ako kung bakit driver lang ang sumundo sa akin sa airport. "Kuya Peping, sina Daddy po?" Tanong ko sa driver na medyo dumami na ang puting buhok.
Parang nagulat pa siya sa tanong ko. "Ha! A-eh may importanteng meeting kasi si Sir tapos si Mam naman ay sa bahay ka na lang daw hihintayin." Hindi na ako kumibo at itinuon ang mga mata ko sa daan.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong bumaba. Nakita ko si Mommy sa bukana ng bahay namin. "Welcome home son." Natutuwang bati ng aking ina.
Tuwang tuwa akong bumaba at niyakap siya. "Mommy, I missed you." Iginala ko ang aking paningin, may hinahanap ang mga mata ko.
"Nasa office pa ang mga kapatid mo." Parang nahulaan ni Mommy ang itatanong ko pero alam kong wala sa bahay sina Marra at MK dahil tinawagan ko na sila ng nasa daan pa lang ako.
"Mommy, si Abby?" Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mommy, nagmadali akong umakyat ng hagdan. Nasasabik akong makita at mayakap siya."Abby, baby. I'm here. This is kuya Nial." Kinakatok ko ang pinto ngunit ilang katok ko na ay walang nagbubukas.
"Nial, anak." Nilingon ko si Mommy. Malungkot siya at kinabahan ako bigla.
"Bakit Mom?" Hindi siya kumibo bagkus inakay ako sa kuwarto ko. "Mom, what's wrong?" Kinakabahan akong naupo sa gilid ng kama.
Tumabi sa akin si Mommy at humugot ng malalim na hininga. "Nial, anak. Wala sa atin ngayon si Abby."
Parang nanghina ako sa narinig. "What do you mean Mom? Anong wala si Abby?" Parang sinakloban ng langit ang pakiramdam ko.
Maluha luha na si Mommy ng magsalita. "Anak, kinuha na si Abby ng kanyang ina noong nakaraang buwan. Kumpleto ang mga papeles niya at pinatunayan din ng opisina ng orphanage na iyon nga ang ina ni Abby."
Napasabunot ako ng ulo habang nakikinig sa kuwento ni Mommy. "Ayaw sana naming payagan ng Daddy mo at ayaw na rin ni Abby pero nakiusap ito na makasama si Abby kahit bakasyon lang."
"Bakit hindi ninyo man lang sinabi sa akin?" Tumaas ang tono ng boses ko at may himig paninisi ang tanong ko.
"Anak, Si Abby ang nag-request na huwag sabihin sa'yo dahil gusto ka niyang I-surprise. Doon din kasi ang punta nila sa Massachusetts dahil tagaroon pala ang napangasawa ng ina nito. Pero mula noong umalis sila ay nawalan na kami ng contact sa kanya." Tumulo na ang mga luha ni Mommy.
"What!" Shocked ako sa sinabi ni Mommy. Kaya pala hindi ito sumasagot sa mga text ko. "Wala bang ibang contact number na iniwan sa inyo o address man lang?" Napatayo ako, paroo't parito na hindi ko maintindihan kung anong gagawin.
"Meron, pero wala sila sa nasabing address. Nial nakikipag coordinate na ang Daddy mo kay Tito Odie mo para tulungan tayong hanapin si Abby." Napasalampak na lamang ako sa kama ko, tutop ang aking noo at hinayaan ko na lang na magsalita si Mommy.
Malalim na ang gabi, hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kanina ko pa pinagmamasdan ang portrait ni Abby na nakasabit sa kanyang kuwarto. Ang ganda niya sa picture, nakangiti. Hinaplos ko ang mga pisngi at mga labi. "Baby nasaan ka ba? Sana tumawag ka. I missed you so much.' Nanlabo ang aking mga mata at pumatak ang mga luha ko. For so many years, nakita ko siyang lumaki at nagdalaga. Lumayo ako pero kahit milya milya ang layo ko ay siya pa rin ang nasa isip at puso ko. Wala ng iba. "Baby, I love you. Promise hahanapin kita."
BINABASA MO ANG
Till My Love Grow
General FictionSi Nial Zion Portman, matalino, guwapo, mayaman, lahat nasa kanya na. Siya ay konserbatibo, mapagmahal at mapag-alagang kuya sa mga kapatid, at walang interes sa babae. Sisterly love nga ba ang nararamdaman ni Nial para kay Abby? Or Does love...