Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang hila ko ang mundo habang nag-e-empake ako ng mga damit na dadalhin sa pag-alis ko. Mula ng pumayag ako sa gusto ng mga magulang ko ay pakiramdam ko naging kakambal ko ang lungkot.
Nalungkot ang mga kapatid ko ng malaman nilang apat na taon akong mawawala. At si Abby, nagkulong sa kuwarto at nag-iiyak. Parang pinipiga ang puso ko sa awa sa kanya pero kailangan kong gawin ito para sa akin at sa kanya.
Kasama ko si Daddy sa pag-alis ngayong araw. Ayaw kong ihatid nila kami sa airport. Baka lalo akong malungkot o di ko ituloy ang pag-alis. Isa isa kong niyakap si Mommy, Marra at MK. Mangiyak ngiyak ako habang naghahabilin sa kanila. "Mag-iingat kayo dito Mom." Pero may kulang, wala si Abby.
Umakyat uli ako para puntahan si Abby sa kuwarto niya. "Abby." Tawag ko sa kanya.Hindi naka-lock ang pinto at dinig ko ang impit niyang iyak. Nadurog ang puso ko ng buksan ko ang pinto. Nakasalampak si Abby sa isang sulok at umiiyak.
Itinayo ko siya. "Baby naman. Wag mo naman akong pabaunan ng luha." Pinunas ko ng aking panyo ang naglalandas niyang mga luha. Yumakap siya sa akin at lalong humagulgol. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Baby, stop crying please. Uuwi naman ako dito every year." Itinaas ko ang baba niya at napatitig ako sa mga mata niyang lumuluha. Nagsimula na namang bumilis ang heartbeat ko.
"I'll miss you." Sambit niya sa gitna ng mga hikbi.
"I'll miss you too. Mag-iingat ka ha. Malayo ako para ipagtanggol ka." Hinaplos ko ang kanyang mga pisngi at mga labi. Gusto kong hagkan pero pinigilan ko ang sarili ko. "Baby, mahal kita." Yun ang lumabas sa bibig ko at buong puso kong hinagkan ang kanyang noo.
"Mahal din kita kuya." Humagulgol uli siya. Hinubad ko ang suot kong titanium necklace na may pendant na dog tag at nakaukit ang initials ko. Isinuot ko ito sa leeg niya.
"Wear this. Always remember babalik ako." Nagyakapan kami ng sobrang higpit, parang ayokong bumitiw. Ngayon pa lang ramdam na ramdam ko na ang lungkot na wala siya sa tabi ko.
"Nial, anak baka ma-late kayo sa flight." Tumatawag na si Mommy.
"Yes Mom, coming." Pasigaw kong sagot. Bumitiw ako sa pagkakayakap kay Abby at paakbay ko siyang inakay.
"Stop crying, pumapangit ka oh." Hinawakan ko ang baba niya at pilit kong pinapangiti si Abby. Ngunit kahit ako hindi ko na makuhang ngumiti.
Bago ako sumakay ng van ay niyakap ko uli isa isa si Mommy, Marra, MK at Abby. Lahat sila maluha luha sa pag-alis ko at si Abby ay nagsisimula na namang umiyak.
Hindi na ako lumingon ng umandar na ang sasakyan. Habang papalayo sa bahay namin ay dumaloy ang kanina ko pa pinipigilang mga luha. 'Abby, I love you baby.'

BINABASA MO ANG
Till My Love Grow
General FictionSi Nial Zion Portman, matalino, guwapo, mayaman, lahat nasa kanya na. Siya ay konserbatibo, mapagmahal at mapag-alagang kuya sa mga kapatid, at walang interes sa babae. Sisterly love nga ba ang nararamdaman ni Nial para kay Abby? Or Does love...