9-Beach

1.5K 38 3
                                        

After our graduation, nagkayayaan mag swimming. Pakana na naman ni Renz dahil daw paalis na si Chloe kaya nilibre niya kaming lahat. Two days ang aming stay sa beach. Kasama ko lahat ng mga kapatid ko at siyempre ang dalawa kong kaibigan. Two days ang stay namin sa resort. Naka-check in kami sa hotel ng resort.

Magkakasama kaming mga lalaki sa isang room at ang mga kapatid kong babae sa isang room. Lahat kami excited na magtampisaw sa dagat at nagmadali sa pagbihis ng pampaligo.

Nauna kaming lumabas ng hotel kaysa mga babae kong kapatid. Nagulat ako ng makita ko ang suot ni Abby. Pareho lang naman ang tatlo naka-one piece swimsuit pero ayoko para kay Abby.

Nilapitan ko siya at itinapis ang dala kong tuwalya. "Abby, wala ka bang dalang shorts? " Ayokong pagtinginan si Abby ng mga lalaki.

"Wala Kuya. Why? "  Gulat na sagot sa akin.

"You're too young to wear skimpy swimsuit. You wear cover ups. " Utos ko sa kanya.

"Okay. " Nakangusong sagot niya sa akin at saka tumalikod. Hinabol ko siya.

"Sasamahan na kita. " Mahirap na baka mapagtripan na naman si Abby. Pero hindi ko maiwasan ang mapatingin sa katawan ni Abby. Ang sexy niyang tingnan at nag-iiba na naman ang timpla ng aking katawan.

Iwinaksi ko ang aking iniisip at inilayo ang aking tingin. Masyado lang akong protective kay Abby dahil kinalakhan ko na ang bantayan siya.

Sumakay ang grupo namin ng banana boat at pagkatapos ay nag jet ski kaming mga lalaki. Matapos ang ilang rounds ay sumakay si Chloe kay Renz at si Marra kay Tonton.

Ngunit yong iniiwasan ko na mangyari ay heto na. "Kuya, ako din. Isakay mo ako." Nagpupumilit si Abby.

"No baby, baka mahulog ka." Hindi lang yon ang ikinakatakot ko. Mararamdaman ko na naman ang yakap ni Abby.

"Dito ka sa akin Abby. " Yaya ni MK ngunit mabilis akong sumagot.

"No, baka maihulog mo pa siyaSige sakay na dito." Mando ko kay Abby at iniwanan na kami ng mukhang naiinis kong kapatid. Ayokong yumakap siya kay MK at kahit sa sinumang lalaki.

"Okay baby, humawak ka sa akin ng mabuti." Pakiramdam ko nag-constrict lahat ng muscles ko sa tiyan ng pagdugtungin ni Abby ang kanyang mga kamay payakap sa akin. Bugso ng damdamin ko, hinaplos ko ang magkadugtong niyang mga kamay.

"Ready ka na?" Bahagya ko siyang nilingon at timing namang dumikit siya. Ramdam ko ang hininga niya sa puno ng aking tenga at ang pagdaiti ng kanyang dibdib.

"I'm ready. " Pasigaw niyang sabi dahil binuhay ko na ang makina ng jet ski. Kasinglakas ng ugong ng jet ski ang tambol ng dibdib ko.

Si Abby tuwang tuwa at panay ang sigaw. Sinabayan ko ang katuwaan niya at ang kaba ko ay napalitan ng saya. 

The following day, balik uli kami sa beach. Medyo nag-iba ang panahon, lumamig at lumakas ang hangin.

"Kuya, halika na, swimming na tayo. " Yaya sa akin ni Abby. Tumanggi ako dahil alam ko na naman ang mangyayari. Mangunguyapit na naman sa leeg ko si Abby.Baka hindi ko na makayanang pigilan ang sarili ko.

"Dito lang ako Baby. Babantayan ko kayo. You join them basta huwag ka lalayo sa kanila." Si Chloe at Renz ang tinutukoy ko na nasa dagat. Sina MK at Marra at Ton ay nasa pampang lang.

Naupo ako sa dalampasigan habang pasulyap sulyap kay Abby na nasa tubig dagat at sumasabay sa alon. Mas lumamig at lumakas ang hangin. Lumalaki na ang mga alon, tumayo ako para tawagin si Abby. Ngunit nawala si Abby sa paningin ko.

"Abby! Abby! " Sindak akong sumisigaw habang tumatakbo papuntang dagat. "Oh God. Baby!" Nag-dive ako kung saan ko siya huling nakita ngunit hindi ko siya makita.

Lumutang ako para huminga ng hangin at muling lumangoy pailalim. Nakita ko siya at hinatak ang kanyang buhok para maitaas. Umagapay sa akin si Renz at Tonton at dinala namin sa pampang ang wala ng malay na si Abby.

"Abby, please wake up baby." Gusto kong sabunutan ang sarili ko, kasalanan ko ito. Hinayaan ko siyang mag-isa.  Hindi ako nagsayang ng oras. Kailangang I-revive ko siya.

Kasabay ng aking dasal ang pagbuga ng hangin sa kanya. Ni-pump ko ang dibdib niya at binugahan uli. At sa pangalawang pagkakataon gumalaw siya at sumuka. Nanghihina akong nayakap siya ng mahigpit. "Baby, thank God. "

"Kuya, hindi ako makahinga." Sabi ni Abby.

Nataranta uli ako. "Baby, dadalhin ka na namin sa hospital. "

"Kuya, ang higpit kasi ng yakap mo kaya hindi ako makahinga. " Napatigil ako at tiningnan siya. "Okay na ako. " Sabi niya na pilit huminga ng malalim.

"Kahit na dadalhin pa rin kita sa hospital." Binuhat ko na siya.  Gusto kong makasiguro na ligtas na si Abby. Hindi ko kakayanin na harapin ang galit nina Mommy at Daddy. At hindi ko kayang mawala si Abby sa akin.

Dahil sa nangyari, Napaaga ang uwi namin. At hindi ko na rin hahayaan mag-isa si Abby.

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon