11.2-Request

1.3K 35 3
                                    

"Hi, Baby. I missed you."

Hindi pa rin ako makapagsalita habang nakatingin ako sa nakangiting mukha ni Nial sa monitor. Unti-unting lumalabo ang aking paningin.

"Di ba sabi ko huwag ka ng iiyak? Ang lapit mo nga sa akin, oh." Idinikit ni Nial ang kanyang pisngi sa monitor. Alam ko nagpapakuwela lang siya.

Napangiti ako at sabay pahid ng aking luha. "How are you? Masaya ba diyan?" Tanong ko sa gitna ng aking mga hikbi. 'God, I missed him so much."

"For now, nag-a-adjust pa ako sa climate, sa oras at sa culture ng mga tao dito. Hindi naman ako nabo-bored kasi nandito si Chloe who is guiding me on what to do. At may ka-buddy ako dito. Guess who?" Nakapangalumbaba pa siya pero nakangiti habang nagsasalita.

"Sino!" Nagtataka kong tanong. Isang linggo pa lang, may close friend na agad siya.

"Who else? Eh, di si lover boy Lorenzo." Biglang lumabas sa likuran ni Nial si kuya Renz.

"Nice. At least, may makakasama ka aside from Ate Chloe." Komento ko habang kumakaway ako sa kumakaway din na si Renz.

"Daming chicks dito, Abby. Pinag-aagawan si Nial dito." Mayabang na turan ni Renz na ikinapormal ng mukha ko. Nakita kong siniko ni Nial si Renz at umilag naman ang huli.

"Talaga! Eh di masaya pala kayo diyan." Kunwari sang-ayon ko pero ang totoo nakaramdam ako
ng pakainis.

Nawala na si Kuya Renz sa monitor. Nakangiti pa rin si Nial ngunit malungkot ang mga mata nito. "Siyempre, mas masaya diyan sa atin dahil kasama ko kayo... at I-kaw... I missed you so much, baby." Punong-puno ng lungkot ang kanyang mga mata.

"I missed you too." Ang hirap talaga magpigil ng luha. 'I missed him a lot, his thoughtfulness, his protection, and presence.

"Baby, Don't cry. Magkuwento ka na lang ng happenings diyan. Sige na."

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon