21-Magkaribal

1.3K 36 3
                                    

Naging abala ako sa trabaho. Dumami ang paperworks ko dahil sa ilang araw kong absences. Dahil si Daddy ang nakikipag coordinate kay Officer Intal kaya halos sa akin napunta ang ibang work load niya sa office. Madalas ginagabi na ako ng uwi. Gusto ni Abby na sumama sa office pero ayaw naman nina Daddy at Mommy na palabasin ng bahay ito for security reasons.

Sinisilip ko na lang siya sa kanyang kuwarto sa tuwing darating ako. Excited lagi ako dahil hindi siya natutulog hangga't hindi ako dumarating at may good night hug kami sa isa't isa.

Naningkit ang mga mata ko sa nakita. Palabas ng kuwarto ni Abby si MK. 'Anong ginawa niya sa room ni Abby sa ganitong oras ng gabi?'

"MK, pwede ba ta -" Dire-diretso lang siya at hindi ako pinansin. Lalo akong nanggigil at sinundan ko siya sa kanyang kuwarto at isinara ko ang pinto. "MK, kinakausap kita ah." Tumaas ang tono ng boses ko.

"What!" Mataas din ang tono niya at matalim ang tingin sa akin.

"Anong ginawa mo sa room ni Abby?" Madiin kong tanong.

"Bakit masama bang dalawin ko siya?" Sumalampak sa kanyang couch at ang mabalasik niyang tingin ay sa isang banda ng kanyang kuwarto nakatuon.

"At this hour and inside her room, yes." Madiin kong sagot.

Ginulo gulo niya ang kanyang buhok at tumitig sa akin. "And why?"

Nanatili ako sa pagkatatayo at pinal kong sinabi. "Because she needs rest."

Biglang tumayo si MK, kuyom ang mga palad at lalong tumalim ang tingin sa akin. "Ang sabihin mo nagseselos ka lang. Hintayin nating gumaling si Abby? Let's see kung sino ang mananalo sa atin." Mataas na ang kanyang tono at may galit ang bawat salita niya.

Dala ng selos ay di ko na rin kayang magtimpi at mataas na rin ang boses ko. "She loves me whether she has amnesia or none." nawika ko bugso ng damdamin ko.

"What's happening here?" Kunot noo na nakatingin sa amin si Mommy. Pareho kaming hindi makakibo. "Are you quarrelling? Dinig sa labas ang boses ninyo."

"It's nothing Mom." Yun lang ang nasabi ko. Naupo si Mommy sa couch. Sumenyas ito.

"Gentlemen, sit down." Wala kaming choice kundi sumunod. Napagitnaan namin siya. Naka cross-arms si Mommy tanda na naghihintay ng paliwanag. "Now, may I know what's the trouble between you guys?"

Walang gustong sumagot sa amin. "Kanina nagsasagutan kayo. Ngayon wala ng gustong magsalita. What's the problem Nial?"

Till My Love GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon