CHAPTER 3

3.5K 42 0
                                    

"I DON'T want to get married yet, I-I'm not ready for this, Mamita, hindi ako papayag!" mahihimigan ang iritasyon sa boses ni Flynn.

Napatayo siya bigla at halos hindi makapaniwala sa naging sagot sa kanya ng matanda nang usisain niya ito tungkol sa pagpaparoon niya sa Bangkok.

Ngayon niya napagtanto kung bakit siya nito minamadaling makapunta kaagad ng Thailand. Iyon pala ang mahalaga nilang pag-uusapan. At iyon din pala ang rason kung bakit kinakailangan niyang sumugod doon kahit napipilitan siya. They're talking about the wedding. Yes. It's all because of the wedding一 his own wedding to be exact!

Siempre pa gulat at dissapointed siya sa hindi inaasahang deklarasyon ng Lola niya. Daig pa niya ang inilublob sa nagyeyelong tubig at itinapon sa naglalagablab na apoy sa sobrang pagkabigla. Nangangatal pati katawan niya sa pagpipigil ng frustration.

Pagdating niya kaninang tanghali galing sa airport ay hindi muna siya nito kinausap, at sa halip ay pinagpahinga lang siya ng ilang oras dahil daw marami pa itong inaasikaso sa private office nito na kanugnog ng malaki nitong bahay.

Kinagabihan lang sila nagkaroon ng tamang tiempo para mag-usap. Kakatapos lang din nila no'n maghapunan at iyon na nga ang nangyare. Deretsahang isiniwalat sa kanya ang tungkol sa napipintong 'kasal daw' niya.

Hindi niya iyon matanggap at lalong hindi niya inaasahan na magagawa iyon ng Abuela sa kanya. Nagpupuyos tuloy ang kalooban ni Flynn sa ipinagtapat ng kanyang pinakamamahal na Lola. Gustong-gusto niyang idalangin nang mga oras na iyon na sana ay isa lang panaginip ang nangyayari ngayon. Na sana ay nagbibiro lamang ang babae . Bagamat aminado siya na wala sa ugali nito ang pagiging jocular. Duh! Wala sa bokabularyo niya ang salitang 'joke'. She'd never cracked a jokes and made them laugh eversince not even once.

Kaya naman sa maniwala man siya o sa hindi nakapagdesisyon na ang kausap niya. Sinong mag-aakalang may babae na palang napili ang lola niya para sa kanya at ngayon nga ay gusto pa siya nitong ipakasal sa babaing iyon. For Christ sake!

Siya magpapakasal? No fucking way! Isa sa ayaw niya ang seryosong pakikipag-relasyon, ang magpatali pa kaya sa iisang babae. Life time commitment iyon bro, kapag nagkataon goodbye na siya sa pagiging single. Paano na ang magaganda at sexy chicas na matitipuhan niya kung magpapakasal siya kaagad sa edad na bente-siete? No! There must be the other way? Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Hindi siya papayag na maikasal sa babaing napipisil nito para sa kanya. Hinding-hindi, kahit itaga pa niya sa pinakamatigas na bato!

Mariing napahawak sa sandalan ng upuan ang magkabilang kamay ni Flynn nang pabagsak siyang naupo sa pang-isahang couch sa tabi niya.

Para siyang tinulos sa kinauupuan. Hindi niya lubos maisip kung papaanong naisip ng Lola niya na ipagkasundo siya sa anak ng kaibigan nito na hindi muna hiningi ang side niya, o 'di kaya ay tanungin muna kaya siya kung sang-ayon ba siya sa ganoong set up. Kung handa na ba siyang magpatali o magbubuhay binata habang-buhay.

"I'm not asking for your permission, young man. Naasikaso na namin lahat ng papeles para sa kasal ninyong dalawa ni Anella. Infact, napirmahan na niya ang prenuptial agreement na pinagawa ko sa aking abogado."

"To hell I care about that prenuptial agreement! Kahit marriage contract pa 'yang pinirmahan niya, I will still object! Hindi niyo ako mapapapayag sa gusto ninyong mangyari. I can't marry her, not at my age. I will never marry a stranger as easy as that, never, and that's my final decision. Hindi pa ako handang mag-asawa Mamita, please!" patuloy niya sa pagpoprotesta laban sa nagmamatigas na matanda.

"For now... I assure you Flynn, once you meet her, I know she's the woman you wanted to have forever. She's exactly your type, the one you want to spend your life with." animo'y siguradong-sigurado ito sa sinasabi.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon