CHAPTER 21

1.6K 39 19
                                    

NAULINIGAN ni Flynn ang mahinang pagtangis ng dalaga. Napagtanto niya iyon sa pagmulat ng kanyang mga mata. May pag-alalang tinawid ang pagitan ng kanilang distansiya nang sa ganoon ay matitigan niya ito ng malapitan.

Her eyes were filling with tears coursing down her cheeks. She let out a supress sob as well.

Napayuko siya. Ayaw niyang nakikita ni Flynn ang isa sa kahinaan niya bilang isang babae. Nahihiya siyang tumitig dito na may luha sa kanyang mga mata.

Hindi naman napakali si Flynn sa biglang pag-iyak ni Anella. Awtomatikong inilapat ang mga palad sa mukha ng dalaga na hilam na sa mga luha. Wala na rin siyang pakialam sa deal nila na bawal itong hawakan dahil mas nangingibabaw sa kanya ang pag-aalala na minsan lang din niyang ipinapakita at pinaparamdam sa mga kalahi ni Eva.

"Hey... " Paos ang boses na wika niya sa dalaga. His solemn gaze roved over her face. Maging siya ay nasasaktan sa nakikitang kahungkagan nito.

Masuyong pinahid ang mga luhang walang patid sa pagpatak gamit ang panyong hinugot niya mula sa kanyang bulsa.

"Masyado mo naman yatang dinidibdib 'yang panalangin mo sa kanya." Tukoy ni Flynn sa Buddha. "Alam ko naman na ayaw mong magpakasal sa akin, but we can talk about that. Gusto mo ba paulit-ulit akong magmakaawa kay Mamita para lang i-atras niya ang kasunduan? I'm willing to do everything you wish for Anella, just to make you happy again, if that's the only way to bring back the smile on your face." madamdaming pahayag ng binata sa natigilan namang dalaga pagkarinig ng sinabi niya.

Tila ibang tao ang kaharap niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya tuloy naiwasang itanong sa sarili kung ito ba talaga ang Flynn na bruskong nakilala niya three days ago? Although hindi parin naman nababawasan ang pagiging pilyo nito.

Inagaw niya ang panyo sa pagkakahawak ni Flynn sabay layo ng katawan. Umupo siya sa isang sulok at doon ay tuluyang pinahid ang natitirang mga luha na kumalat sa kanyang mukha. Tumahan na rin siya upang hindi na nag-aalala sa kanya ang lalake.

Sinundan siya ni Flynn na umupo din sa tabi niya.

"Thank you." umpisang wika ni Anella. "Can I keep this handkerchief with me for a while? Nakakahiyang ibalik sa'yo na may bahid ng mga luha ko. I think that's rude."

Pagak na natawa ang binata. "Sa'yo na 'yan, souvenir mula sa'kin. Para sa susunod na iiyak ka maaalala mo parin ako." Lumungkot bigla ang tono ng pananalita niya nang magpatuloy. "Hindi na ako mag-a-assume na ikaw ang ihaharap ko sa altar balang araw. I'm giving you the chance to escape, you're free to leave Anella kahit saan mo gusto, ayokong magpakasal ka sa'kin na mabigat ang loob mo, ayokong nahihirapan ka at napipilitan sa nais nilang mangyari para sa ating dalawa. Ako na'ng bahalang magpaliwanag kay Mamita pag-uwi ko ng Bangkok─"

"Húp bpáak!" natawa siya sa nakikitang lungkot at tarantang mukha ni Flynn kaya niya ito pinatigil sa pagsasalita. "Kalalake mong tao pero ang drama mo masyado. Wala naman akong sinasabi na may kinalaman sa'ting dalawa 'yung pag-iyak ko. Hindi ako pabor sa kasal natin, yes! Pero hindi rin naman ako tumututol. Hindi pa ako makapag-decide sa ngayon, mahirap yata ang sitwasyon nating dalawa baka akala mo."

Sumigla ang pakiramdam ni Flynn sa isiniwalat ni Anella. Lakas loob na inusisa ang babae kung ano ang dahilan ng pag-iyak nito kani-kanina lamang.

"Sweetheart, pinag-aalala mo ako masyado. Don't do that again please. Ayoko talagang nakakakita ng babaing umiiyak, especially when you are that girl."

Inirapan siya nito pagkarinig ng paborito niyang itawag sa babae.

"Ayan ka na naman sa Sweetheart mo, binalaan na kita tungkol diyan, 'di ba? Feeling ko kasi nilalandi mo ako sa tuwing tinatawag mo akong Sweetheart."

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon