HINDI makapaniwala si Anella matapos marinig ang confession ni Doña Graziela na may kinalaman sa nakaraan nito. Nakaawang parin ang mga labing napapatingin sa magandang mukha ng kaharap. Wala siyang maapuhap sabihin patungkol dito dahil namamangha parin siya at hindi makapaniwala sa nalaman.
Hindi niya alam kung ano'ng iisipin patungkol sa matandang babae matapos marinig ang buong kwento. Ayaw naman niya itong husgahan dahil wala siya sa lugar para gawin iyon. Saka sino ba siya para magbigay ng kuro-kuro gayong hindi naman siya ang nasa posisyon nito noon.
She respect Doña Graziela, hindi dahil kagalang-galang ito sa mata ng karamihan at isa sa may mataas na antas sa lipunan. Alam niyang halos lahat ng taong nakakakilala dito ay malaki ang respeto sa matanda dahil sa kabila ng pagiging mayaman at katanyagang tinatamasa hindi ito nangingiming tumulong sa mga taong nangangailan ng tulong.
Katulad ng karamihan may pinagdadaanan din pala ito kaya madalas na hindi nakikitaan ng ningning ang kanyang mga mata.
Ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao ay isang ma-awtoridad, matapang, competitive, at higit sa lahat may prensipyong pinanghahawakan si Doña Graziela. Matalino ito at magaling humawak ng negosyo. Ngunit sa kabila ng mga magagandang qualities na taglay ng ginang may parte sa pagkatao nito ang kulang.
She lost the love of her life... Ang nag-iisang lalaking nagparanas sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang tanging kaligayahan niya na napunta sa piling ng iba.
Naiintindihan na ni Anella kung bakit madamot ang ngiti sa magandang mukha ni Doña Graziela. Masisisi ba niya ito kung bakit hanggang ngayon may bakas parin ng panghihinayang at kalungkutan sa puso nito sanhi ng nakaraan.
NAKABALIK na siya lahat-lahat sa malaking sala pero ang utak ni Anella ay patuloy parin sa pagbabalik-tanaw sa mga kwento ni Abuela. Lutang ang pagkatao niya nang makita siya ni Flynn na kanina pa naghihintay doon.
Lumapit agad ito sa dalaga hindi para magtanong ng tungkol sa napag-usapan ng dalawa kundi dahil kanina pa siya naiinip sa sala.
Flynn is about to gabble against her but looking into her gloomy eyes and disconcerted countenance made him stop from being a jerk.
"I'll drive you home." biglang namutawi mula sa kanyang bibig at lumambot pati ang boses.
Hindi kumibo ang dalaga basta't sumunod na lang siya dito hanggang nakapasok na sila pareho sa loob ng kotse.
"Saan ka nga pala nakatira?" tanong niya dito pagkabuhay niya ng makina ng sasakyan. Sinulyapan din niya ito pero nanatili parin na nakayuko ang katabi.
"I don't want to go home yet. Gusto ko munang lumayo sa amin, ikaw na lang ang bahala kung saan mo ako gustong dalhin."
Sarkastikong napangiti ang binata. "Ah, at balak mo pa pala akong gawing driver ngayon. Ibang klase ka rin."
Doon na nainis si Anella. "Unang-una hindi ako ang nagpresenta na ihatid mo ako sa bahay namin, ngayon kung ayaw mo akong ipagmaneho, fine! Magta-taxi na lang ako." Akmang bubuksan na niya ang pintuan ngunit maagap si Flynn. Napigilan siya nito sa isa niyang braso.
"Oo na, sige na, heto na po Ma'am, ihahatid ka na kahit saan mo gusto." sumusukong wika nito subalit mahihimigan parin naman ang pagkayamot sa boses.
Humalukipkip sa upuan si Anella. Hindi na nakuha pang magsalita. Ayaw na niyang pahabain ang diskusyon nilang dalawa dahil kanina pa nagugulo ang kanyang utak simula ng magising siya kaninang umaga.
Sobrang dami na ng nangyari ngayong araw. Pakiramdam niya tuloy parang sasabog na ang utak niya sa kakaisip ng mga bagay na may kinalaman doon. Lalong-lalo na ang isiniwalat ng Doña na tila nakarehistro na yata sa kanyang memorya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"
RomanceHighest rank #1 Fixmarriage #6 Sweetheart #2 Pinoyromance STATUS: ON GOING (TEASER) - Siguro kung naaamoy lang ang pagnanasa nang mga sandaling iyon ay tiyak na samyung-sanyo iyon ni Anella na para b...