CHAPTER 16

1.5K 30 5
                                    

Before we proceed to this chapter I would like to share this song for you guys, and a little something about me as well. My favorite genre of music is Sexy RNB Soul/Indie.

If you love this kind of music then this is for you.

https://youtu.be/ggpFz7zUwq8

Ito din po yung background music sa part kung saan magkasamang nag-Island hopping sina Flynn and Anella sa Koh Samui Island to Koh Phangan. (Haha!) ENJOY!

                    *************************

HINDI maintindihan ni Anella ang sarili kung bakit pumayag siya sa alok ni Flynn na sumama dito gayong hindi pa nawawala ang iritasyon niya para sa binata. Hindi nga ba't nangako na siya sa sarili na hindi na magpapakita pa dito? 'Di ba dapat tinataboy niya ito at inaaway hanggang sa ito na mismo ang lumayo sa kanya?

Ang plano niya ay magbabakasyon siya ng walang kasama sa kauna-unahang pagkakataon. Makipagsapalaran ng mag-isa sa lugar na hindi pa niya kailanman napupuntahan. At bibihirang mangyare iyon sa buhay niya. Dahil kadalasan ay palaging nasa eksena ang kanyang ina. They were inseparable. Only because she wanted to treasure those fond memories while spending her free time with her Mom.

Mas maraming magagandang alaala, mas maraming dahilan upang iparamdam dito kung gaano ito kahalaga sa buhay niya.

Pero ang makasama ang isang Flynn Consunji sa plano niyang bakasyon ay  hindi niya kailanman inaasahan at napaghandaan. Ni hindi nga sumagi sa marupok niyang isipan na imbitahan ito sa gitna ng paghahanap niya ng kapayapaan ng isip.

All she ever wanted is to be alone! 'Me time' nga niya 'di ba? At ano'ng karapatan ng lalaking ito na sirain ang balak niyang pag-iisa? Tapos hindi man lang siya tumutol o nakipag-debate pa sa lalake. Sa halip ay napahinuhod siya ng walang kaabog-abog.

And worst... part of her wanted to throw a party dahil muli niya itong makakasama. And as far as she could remember, hindi siya nakaramdam ng dull moment when she's with him the other night. He may be not worth her trust to the fullest; well kind of, but one thing for sure, he is a great confidant that she can rely on and the one she can count on when she was in trouble.

Kinabahan siya at nag-alala sa damdaming unti-unting binubuksan ng lalake sa pagkatao niya. Kampanteng-kampante kasi siya sa presensiya nito na para bang wala siyang ibang nais makasama kundi ito lang. Nangangamba siya na baka makasanayan niya iyon gayong wala naman siyang mapapala dito.

Saka hangga't maaari ay ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan ang atensiyong binibigay sa kanya ng lalake. Babaero ito, likas na yata dito ang umaktong sweet at simpatiko. Hindi na siya magtataka pa kung bakit maraming babae ang attracted dito dahil sanay ito sa ganoong sistema. Isang malaking bonus na lang ang pagkakaroon nito ng gwapong mukha, magandang tindig, matikas at matitipunong pangangatawan.

Napalunok ng laway si Anella sa huling naisip, maski balahibo niya sa mga braso at binti ay kusang nagsitayuan sa biglang pag gapang ng kakaibang sensasyon sa buo niyang katawan. Nag-flashback sa isipan niya ang ayos ng binata kahapon. Ang eksena kung saan tanging tuwalya lang ang nakatabing sa ibabang bahagi ng katawan nito. Nakatatak na rin sa utak niya kung ilang pandesal ang nakasalpak sa matigas nitong tiyan.

Oo na, inaamin naman talaga niyang tinablan siya sa taglay na kakisigan ng lalake. Ramdam na ramdam parin niya ang epekto sa kanya ng kahubaran nito. Sa ngayon kailangan muna niyang umakto ng normal sa lahat ng oras, ayaw yata niyang lumaki ang ulo ng tukmol na ito kapag nagpakita siya ng senyales na isa din siya sa mga babaing nabighani sa kagwapuhan nito. Masyado pa namang mataas ang self confident ng loko.

Sinulyapan ni Anella ang katabing binata na abala sa pagmamaneho ng kotse. Pagkakataong nasilip niya upang malayang mapagmasdan ang naka-side view nitong mukha. Gusto niyang mapangiti habang nakatunghay dito subalit nagpigil siya at baka mapansin pa iyon ng lalake. Ayaw din naman niyang mahuli siya na pinagpipyestahan niya ang kagwapuhan nito.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon