CHAPTER 8

2.8K 50 4
                                    

MAHIGIT TWENTY minutes na silang lulan ng kalsada na walang kasiguraduhan kung saang dereksiyon nila balak tumungo. Basta't patuloy lang din si Flynn sa pagmamaneho. Pilit pinipigilan ang mga mata na huwag sulyapan ang katabi kahit gustong-gusto na niya itong titigan. Hindi na rin nila nakuha pang mag-usap habang nasa biyahe.

Ngunit lumipas pa ang sampung minuto ang binata mismo ang hindi nakatiis. Inihimpil nito sa tapat ng restaurant ang sasakyan pagkakita sa signboard na natanaw nito.

"Kumain muna tayo, nagugutom ako. Sino ba naman kasi ang makakakain ng maayos sa bahay na puno ng problema ang umaga mo."

Narinig niyang reklamo nito sabay labas ng kotse. Sabagay hindi nga din pala niya masyadong nagalaw ang breakfast na pinahanda ng Doña para sa kanya kanina habang nag-uusap sila nito sa garden.

Maging ang huminga ng normal ay tila mahirap gawin. Wala din sa tamang huwesyo ang bawat tibok ng kanyang puso habang kausap kanina ang matandang babae. Samo't-saring pakiramdam kasi ang sumasapi sa pagkatao niya.

Napapiksi si Anella nang bumukas ang pintuan sa tagiliran niya. Pinutol ng binata ang pagbabalik-tanaw niya. Ipinagbukas pala siya ni Flynn at hindi niya inaasahan iyon. Manghang napatingin sa mukha nito bago niya naisipang lumabas ng sasakyan.

Gentleman din naman pala kahit papano. Naisip niya na naghatid ng kiliti sa pakiramdam niya. Sinaway niya ang sarili na huwag ngumiti sa pamamagitan ng pagkagat ng pang-ibang labi.

"Salamat." umakto siyang hindi apektado sa ipinamalas ng binata. Pinaraanan lang niya ito tingin saka tahimik na sumunod dito patungo sa loob ng establisyemento.

May mga customer ng kumakain doon pero hindi pa ganoon kadami nang pumasok sila sa loob. Kaya naman malaya silang nakapili ng pwede nilang pwestuhan dalawa. Ang nasa gitnang lamesa ang natipuhan ni Flynn na hindi naman tinutulan ni Anella.

Kanya-kanyang dampot ng menu nang tuluyang makaupo ang isa't-isa na magkaharap pa. Walang imikan na binabasa ang pangalan ng mga pagkain na nakalathala sa makapal na papel.

Not until...

Nakadalawang pahina pa lang si Flynn pero wala naman sa binabasa niya ang concentration. Masyadong malakas ang dating ng kaharap para balewalain ito.

Pasimpleng ibinaba ng konti ang hawak na menu para silipin ang magandang dalaga na patuloy naman sa pagpili ng pwede nitong kainin. Hindi alintana ang mga nakaw na tingin ng binata.

Second attempt. Ganun ulit ang ginawa ni Flynn. Pasimpleng pinasadahan ng tingin si Anella na kunware nagmamasid-masid sa paligid. Tapos ibabalik ang paningin sa mukha ng babae.

Nakapili na si Anella ng kakainin niya at akmang tatawagin na niya ang nakatayong waiter malapit sa cashier nang mahuli ang mga titig ni Flynn sa kanya. Kunot-noong tinaasan niya ito ng kilay.

"May problema ba, ba't ganyan ka makatingin sa'kin?" kasabay ng tanong na iyon ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso.

"Wala. Bawal bang tumingin sa'yo?" defensive niyang sagot kahit medyo napahiya sa dalaga.

"Hindi naman, naiilang lang ako sa mga tingin mo." tapat niyang sagot.

"Sorry then, it wasn't my intention to make you feel uncomfortable." asiwang hingi niya ng paumanhin. "O ano, may napili ka na ba? O-order na ako." anito na biglang sumeryoso ang mukha.

"Ito na lang muna, wala pa rin akong gana e, sumasakit ang ulo ko." sabay turo ng putahe na nakasaad sa menu.

Itataas na sana ni Flynn ang isang kamay upang tawagin ang Attendant ngunit sa halip na gawin iyon ay sa kanya ito bumaling ng tingin.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon