MAG-IISANG oras na buhat ng magpahatid sila sa Hotel na napili ng sekretarya ni Mamita para sa kanilang dalawa. Sinabi niya dito ang location nila ni Anella nang tawagan niya ito kanina para humingi ng tulong habang nasa Airport pa lang sila ng Samui. Halos hindi pa makapaniwala ang babae nang sabihin niya dito na si Anella ang kasama niya sa biglaang bakasyon na basta na lamang nabuo sa kanyang utak.
Saglit lang silang nagpahinga sa suite dahil niyaya naman niya itong magtungo sa Central Festival shopping center ng isla na hindi kalayuan sa Hotel nila upang mamili ng damit. At dahil nga wala sa plano ang bakasyong iyon ay hindi na nagawa pang bumalik ni Flynn sa Mansion para mag-empake ng gamit. Basta na lang niyang inakay si Anella patungong airport na walang pagdadalawang-isip. Masyado kasi siyang na-excite na makaganti sa babae kaya naman nawala sa isipan niya ang ibang bagay.
Ngunit nakarating na sila doon at kasalukuyang namimili ng bibilhin ay wala naman silang imikan dalawa na para bang hindi magkakilala. Masama parin ang loob ni Flynn kay Anella hanggang sa mga sandaling iyon.
Hindi rin naman manhid ang dalaga upang hindi mahalata ang naiibang kinikilos ng binata. Alam niyang may kinalaman ang pagiging malamig nito sa kanya dahil sa deal na napag-usapan nila kanina habang lulan pa lang sila ng eroplano. Gusto niyang ma-guilty sa sarili at bawiin ang deal na in-offer dito ngunit kalaunan ay naisip din naman niya na tama lang marahil na ganoon muna ang set-up nilang dalawa dahil iyon ang mas nararapat gawin sa ngayon.
Pinoprotektahan lang niya ang sarili sa posibleng kahahantungan ng pagiging malapit nito sa kanya. For heaven's sake, natatakot na siyang muling magpaalipin sa tukso.
Ang hindi niya maintindihan sa sarili ay kung bakit nagiging marupok siya sa paraan ng mga tingin nito sa kanya at sa epekto ng mainit nitong balat kapag naman nahahawakan siya nito. Nakakalimutan niya kung paano mag-isip ng disente. Sa halip ay patuloy siyang dinadala ng imahinasyon sa mundong umaalipin sa kanya sa tukso at pagnanasa.
"ARE YOU going to buy these thing? Kasi kung hindi, 'wag mong ubusin ang oras mo kakatitig diyan?" untag sa kanya ni Flynn. Kinuha sa rack ang naka-hanger na crisp white bikini saka iwinagayway malapit sa mukha ng nakatulalang dalaga.
Maang na nag-angat ng mukha si Anella sa ginawa ni Flynn. Saglit na tiningala ang nagsalitang binata na basta na lamang sumulpot sa kanyang harapan bago ibinaling ang tingin sa hawak nitong swimsuit.
Natutop niya ang bibig nang ma-realized ang ibig nitong sabihin.
Dahil nga ukupado ng kung ano-anong bagay ang utak niya kanina ay hindi rin niya napansin na nakarating na pala siya sa women's swimwear. Nahihiya tuloy siyang tinalikuran ang lalake upang itago dito ang pagkaasiwa.
"I'm pretty sure it looks good on you, bilhin mo na. Tamang-tama lang sa lugar na pupuntahan natin bukas." patuloy ni Flynn sa pagsasalita.
Natigilan naman si Anella kaya muling hinarap ang lalake. "You mean to say hindi tayo dito magbabakasyon?"
"Nope. Kaya lang tayo nag-stop over dito dahil mamimili lang ako ng ilang gamit. Baka nakalimutan mong wala akong dalang damit noong kinaladkad kita papunta dito." paalala niya.
"Hindi ko na kasalanan 'yun," seryoso namang sagot ni Anella. Para bang gusto niyang ipamukha dito ang pagiging impulsive niya.
"May sinabi ba akong kasalanan mo?" Sarkastikong wika ni Flynn. "Now take this, suotin mo yan bukas sa ayaw at sa gusto mo. This would be your first punishment, sounds exciting right? At alam mo naman siguro ang mangyayare kapag hindi mo sinunod ang utos ko 'di ba?" Nanghahamon niyang saad na binuntutan ng nakakalokong ngiti sabay bato ng swimsuit sa dalaga.
Napaawang naman ang bibig ni Anella sa kanyang narinig. Buong buhay niya ay hindi pa siya nakasuot ng ganoon ka-sexy na two piece bikini. Kadalasan ay rash guard ang ginagamit niya tuwing maliligo sa swimming pool at dagat.
BINABASA MO ANG
Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"
RomanceHighest rank #1 Fixmarriage #6 Sweetheart #2 Pinoyromance STATUS: ON GOING (TEASER) - Siguro kung naaamoy lang ang pagnanasa nang mga sandaling iyon ay tiyak na samyung-sanyo iyon ni Anella na para b...