CHAPTER 15

1.6K 31 6
                                    

Maraming-maraming salamat po ulit sa mga nagbabasa at walang sawang nag-aabang ng kwentong ito. 21 thousand reads na po tayo. At siempre nagpapasalamat din po ako sa mga nag-votes at inspiring comments ninyo malaking bagay po talaga iyon sa akin at sobrang na-appreciate ko . Nakakataba ng puso habang binabasa ko ang mga comments, salamat guys dahil nagugustuhan ninyo ang aking nobela kahit mabagal ang update 😂.

Once again Maraming salamat Dear readers 💕 - DOLCE SVETA (Svetlana Grey)

********************

MAINGAT na naipinid ni Anella ang pintuan paglabas niya mula sa kanyang kwarto. Hangga't maaari ay ayaw niyang makalikha ng anomang ingay na posibleng tatawag sa pansin ni Marina sakaling maulinigan nito ang presensiya niya. And yet, she wasn't ready to face her, not at that very moment either, and even in the next few days.

Ilang dipa mula sa kinalululanan niya ang kwarto ng ina. Sinadya din niyang gumising ng napaka-aga upang maiwasan ang pagkikita nila. Kahit pa sabihing madalas alas siete ang gising nito sa umaga ay nagsiguro pa rin si Anella. Ayaw niyang mahuli siya ng ginang.

Kontrolado ang bawat kilos at pigil ang paghinga sa tuwing hinahakbang ang mga paa sa pasilyo hanggang sa marating niya ang unang palapag ng bahay.

Sinigurado din niya na walang kasambahay ang makakapansin sa kanya sa sala dahil tiyak na mapupurnada ang lakad niya at ayaw niyang mangyare iyon. Medyo mausisa pa naman ang dalawang babae. At baka isumbong pa siya sa Mommy niya, lalo na at hindi siya nakapag-paalam.

Papanindigan niya ang hindi pakikipagbati sa ina. Lalayo muna siya ng ilang araw dito nang sa ganoon ay mabawasan kahit konti ang bigat sa kanyang dibdib. At baka sakaling malinawan ang kanyang isipan para unawain ang maling desisyong ginawa ng ginang.

Ayaw din naman niyang magtanim ng galit dito ng matagal, after all Marina is still her Mom. Ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan at mahal na mahal niya. Masakit isipin na sa isang iglap lang biglang nag-iba ang tingin niya dito simula ng manghimasok ito sa personal niyang buhay.

Buong buhay ng dalaga naging mabuti siyang anak at masunurin sa magulang. Lahat ng payo at alituntunin nito ay wala siyang sinuway. Kasi alam niya sa sarili niya na ang lahat ng iyon ay may magandang idudulot sa kanya sa hinaharap, and she's right. At thankful siya sa maayos na pagpapalaki sa kanya ng ina. She was the best Mom, the one she look up to and so to speak.

Lumaki siyang matino, may respeto sa lahat ng taong nakakasalamuha niya, she knew how to appreciate even the smallest things around her. Ito din ang numero-unong supporter niya sa bawat pagsubok na dumarating sa kanya. At bukod pa do'n kay Marina din siya kumukuha ng lakas ng loob sa tuwing nagkakaproblema siya sa bakeshop. Kaagapay niya ang ina sa pagma-manage ng negosyo niya mula sa simula.

At hindi niya makakalimutan ang utang na loob dito hangga't siya ay nabubuhay. Subalit kung dati'y malaking bagay sa kanya ang pagiging masunuring anak, ngayon naman ay mukhang dehado na siya sa salitang iyon. Napagtanto ni Anella na hindi pala lahat ng nanaisin ng isang magulang ay pwedeng sundin ng isang anak.

Nasa tamang edad na siya at may karapatan ng magdesisyon para sa sarili niya. Hinding-hindi niya hahayaan na pati ang sarili niyang kaligayahan ay pangungunahan din ng kanyang Mommy.

She already done her part as a good daughter. Infact sumobra pa nga e, kaya siguro nagawa siyang paglihiman ng ginang dahil inaakala nitong kaya siyang pakiusapan na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban niya.

Well, she's wrong about that. Now is her time to stand on her own. Hindi habang buhay sunod-sunuran siya dito. Kahit ngayon lang matotonan din niyang kontrahin ang kahilingan ng ina.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon