CHAPTER 19

1.4K 34 2
                                    

"F-FLYNN, keep your hands off me nakakahiya sa dalawang flight attendants." aniya sa pamamagitan ng mahinang boses.

Hindi naman natinag ang binata sa pagsita sa kanya ng dalaga. Nanatiling nakapulupot ang mga braso niya sa beywang nito.

"Ayoko nga baka sampalin mo ako e, unless you make a promise na hindi ka na magiging bayolente sa'kin from now on."

"Ayaw mong bumitiw dahil natatakot kang saktan kita o baka naman gusto mo lang talaga akong tsansingan, naghahanap ka lang ng idadahilan e, ano'ng akala mo sa'kin kahapon lang ipinanganak."

"Basta ba't hindi ka na mananakit. Saka sa dami ng babaing dumaan na sa buhay ko sanay na akong humawak at humaplos ng babae, walang bahid ng malisya itong pagyakap ko sa'yo, okay. Walang dahilan para isipin mong tini-take advantage kita." defensive niyang sagot.

"Fine, I'll behave. Lumayo ka na nga sa'kin bago pa magbago ang isip ko at tuluyan na talaga kitang masapak sa mukha, kahapon pa ako naiirita sa'yo baka akala mo. Ayoko yatang maging subject ng chismis sa pagsama kong ito sa'yo. Baka isipin nila na isa na naman ako sa mga babaing dini-date mo. Malay ko ba kong ilang babae na ang naisakay mo dito at hinaharot sa harapan nila." marahang itinulak ang katabing binata. Ngunit sa kaloob-looban ni Anella ay ayaw naman talaga niyang humiwalay sa maiinit at very comforting na yakap ni Flynn.

Sadyang kailangan lang niyang pigilan ang kasabikan dahil sa epektong dulot ng yakap na iyon sa kanya bago pa niya hahanap-hanapin at tuluyang masakop ng tukso ang nanganganib na niyang katinuan. Kahapon pa siya distracted sa presensiya ng lalake kaya dapat lang talagang mag-ingat na siya sa mga ikinikilos niya.

Unti-unti namang niluwagan ni Flynn ang pagkakayapos dito kahit napipilitan. Kung siya lang marahil ang masusunod ay hahayaan niyang nakakulong sa mga bisig niya ang dalaga maski abutin pa sila ng magdamag. Na para bang wala na siyang ibang gustong mayakap kundi ito lang.

"There's no need to be ashamed of, we're getting married soon. Days from now malalaman din nila ang tungkol sa ating dalawa."

"Iyon na nga eh, hindi pa man tayo kinakasal pero kung makahawak ka sa'kin daig mo pa ang boyfriend ko." singit niya sa sinasabi ni Flynn.

"Come on, I'm just saving myself from you, ginagawa mo na rin kasing habit 'yang pananakit mo sa'kin." ungot niya na animo'y batang paslit na nagtatampo sa kausap. "And one more thing... Yung mga babae ko hindi ko basta-basta sinasama sa malalayong lugar, kasi sigurado naman ako na sa bawat lugar na mapupuntahan ko may makikilala akong iba. Sa tingin mo papa'no ko mae-enjoy ang bakasyon kung may nakabuntot sa akin na asungot, saka papa'no ako makipagkilala sa ibang babae niyan kung ayaw naman akong hiwalayan ng kasama ko," paglalahad niya dito.

It was then when he realized what he just said. He's never been this honest to any other women before. Hindi niya ugaling magpaliwanag isa man sa mga ito para kunin ang simpatya nila at lalong wala siyang pakialam kung ano ang iisipin sa kanya ng mga babaing naka-date na niya noon. Now it seems different, like it really matters to him now na para bang takot siyang tuluyang maturn-off sa kanya ang dalaga.

"But it's up to you if you want to believe me, or not." patuloy niya.

"Stop being defensive, mas lalo ka lang nagmumukhang guilty. Just keep your distance from me and don't go overboard, nagkakaintindihan ba tayo? Let me remind you na ikakasal lang tayo dahil iyon ang gusto ng mga magulang natin, aside from that wala ng ibang dahilan, hindi mo ako pwedeng hawakan hangga't walang pag-ibig diyan sa puso mo."

"I can't promise, things happen unexpectedly. Kapag feeling mo natatakot ka at nalulungkot pwede kitang i-comfort using these arms. You're free to hug me as long as you want, as long as you need me until you feel better again. But I can't do it all if you keep pushing me away." Anitong matiim ang pagkakatitig sa kanya.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon