CHAPTER 17

1.7K 34 8
                                    

"TWO YEARS?" Kunyare ay apila niya. "Two years din pala akong makokonsume sa'yo. Dalawang taong kalbaryo sa buhay ni Anella, alright! Baka bago pa tayo maghiwalay sa panahon na iyon ay buto't-balat na ako. Puro stress at sama ng loob lang yata mapapala ko sa'yo eh!"

"Sobra ka naman." objective din na sagot kaagad ni Flynn sa mga akusasyon sa kanya ni Anella. "Hindi naman ako ganoon kasamang tao para pahirapan ka."

"Fine, I'm sorry. Nabigla lang ako, okay? Para kasing ang bilis ng mga pangyayare. This is all about marriage that we're talking with. Hindi ko parin lubusang maisip na ikakasal na ako. Agad-agad." napahugot siya ng malalim na hininga pagkaraan ng ilang minuto saka nagdadalawang isip kung ilalahad niya sa lalake ang nilalaman ng kanyang isipan.

"Wala na tayong magagawa, mangyayare na ang hindi dapat mangyare. Haay, tiyak mababawasan na rin pati affairs ko kapag kasal na tayo, I am not so ready for this."

"E di ibig sabihin... " she paused. Para siyang matutunaw sa hiya habang naglalaro sa isipan ang posibleng mangyayare sa pagitan nilang dalawa as a married couple. "Kailangan bang, ano, ahm... Alam mo na 'yon!" nag-uumpisa na naman siyang mapika dahil hindi talaga niya kayang sambitin ang nilalaman ng kanyang utak.

"Ang alin ba?" kunot noong tanong ni Flynn.

"Siguro naman hindi na natin kailangang gawin iyon, maghihiwalay din naman tayo after two years. Right? Mangako ka!"

"Bakit ako mangangako hindi ko pa nga alam kung para saan 'yung ipapangako ko."

"Basta ipangako mo na, na walang magaganap na... na honey moon pagkatapos ng kasal at sa susunod pang mga araw, buwan at taon."

Bumunghalit ng tawa ang binata sa nakikitang expression ng mukha ng dalaga. Halatang-halata ang pamumula ng makikinis nitong pisngi at tila napilitan lang na sabihin sa kanya ang bagay na iyon.

"We can talk about that in some other time. Mahirap yata 'yang hinihiling mo."

Padabog na humalukipkip si Anella sa kinauupuan. Nakanguso din ito at kontodo ang simangot ng mukha.

"Palibhasa kasi sa sex lang umiikot ang mundo mo!" parinig niya.

Hindi iyon nakaalpas sa matalas na pandinig ni Flynn.

"Maawa ka naman sa'kin Anella, two years akong matitigang, think about it. Kanino pa ba ako sisiping bukod sa magiging asawa ko? Iyon ay kung papayag kang mangaliwa ako, hindi kita pakikialaman if that's what you wish for."

Hindi nakasagot si Anella. Bilang asawa ay responsibilidad niyang pagbigyan ang ungot ng kanyang esposo kapag nagpapahiwatig ito ng pangangailangan. Ng init ng katawan, ng intimacy dahil imposible nga namang magtitinginan lang sila sa loob ng kwarto habang magkatabi sa kama.

Saka ayaw din naman niyang nakikipaglaro ng apoy sa ibang babae ang asawa niya habang kasal ito sa kanya ano. Hindi iyon pwede sa kanya. Siya lang dapat ang babae sa buhay ni Flynn hangga't hindi natatapos ang dalawang taong kasunduan.

Handa nga ba niyang isuko ang perlas ng silanganan kay Flynn kung sakali? Mapatingin nga lang siya sa upper body ng binata nadadarang din pati kaluluwa niya sa kakisigan nito.

Paano pa kaya kung pinapaliguan na siya ng mga halik nito at hinahaplos ang bawat parte ng kanyang katawan? Would she rather stop him or let him do her without any hesitation.

Bitch! You're thinking too much. Kumalma ka Anella, mahina ang kupunan natin laban sa lalaking iyan, kaya please lang huwag na huwag kang magpapatangay sa charisma ng haliparot na 'yan! Babala niya sa sariling isipan.

Nabaling ang atensiyon ni Anella sa labas sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni nang mapagtanto niyang tinatahak nila ni Flynn ang daan patungo sa Suvarnabhumi Airport.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon