CHAPTER 9

2.3K 38 9
                                    

AUTHOR'S NOTE :

Before anything else, I just wanna say thank you so, so much for the reads and votes. You guys are amazing, I really appreciate it knowing that you like what you're reading. And sa mga nag-follow sa akin ofcourse salamat, guys, malaking bagay iyon sa akin bilang isang manunulat. Hopefully patuloy ninyong suportahan ang mga stories ko lalo na yung mga isusulat ko pa lang at ipa-publish sa susunod.

Once again, thank you very much. Please don't forget to vote okay or leave a message. Ya lyublyu tebya - DOLCE SVETA

                           

                             - oOo -

"IYON LANG ba talaga ang concern mo, o baka naman may iba ka pang pinaplano diyan ayaw mo lang sabihin ng derekta sa akin? Kasi kung iniisip mo parin ang tungkol sa napag-usapan natin kanina, please, I don't think it would be a great idea." nagdududa niyang tanong. "Sana nga mali ako ng sapantaha. Ayokong isipin na kaya ka lang nagpapaka-sweet dahil nasa paligid si Arvin, and don't tell me na gusto mo siyang magselos."

"Paano nga kung ganoon ang plano ko, sa tingin mo may possibility ba na magseselos talaga siya?" balik-tanong niya rito.

Saglit siyang nag-isip. "Pwedeng oo, pwedeng isawalang bahala niya. After all, may pinagsamahan din naman kami kahit hindi ko sigurado kung minahal ba talaga niya ako o nagpapanggap lang na mahal niya ako." may pait sa tinig na saad niya. Nawalan din ng sigla ang buong sistema niya.

"That's exactly the reason why I hate commitment. Kasi ang pagkakaalam ko, pera lang ang pwedeng i-invest sa banko, hindi ang pagmamahal sa maling tao. You can say I'm delusional for thinking that way, I was just trying to be fair with myself though. What I mean to say is, bakit naman ako papasok sa isang relasyon kung alam ko naman sa sarili ko na may posibilidad na masaktan ako ng babaing mamahalin ko." casual niyang wika na puno ng positibo ang pananaw sa buhay.

She scoffed. "Kaya okay lang na ikaw ang nakakasakit sa damdamin ng iba? Is that what you're trying to imply?"

Nangunot ang noo niya sa naging reaksiyon ng dalaga pagkatapos niyang ipahayag dito ang punto niya. "Look Miss... " hinuli ang mga tingin nitong may bahid ng inis.

"It's Anella." agaw niya sa sinasabi ng binata sa pamamagitan ng malamig na pakikitungo dito.

"Okay, Anella. Listen here sweetheart, bago pa mahulog ang loob ng mga babaing iyon sa'kin sa umpisa pa lang binibigyan ko na sila ng babala. I told them that I'm not into serious relationship, technically not ready for it." paliwanag niya kahit na pakiramdam niya ay nalulunod na naman siya sa nakakaakit na mga mata ng kausap. "Spending most of my time with the same woman is dope. I don't know if I can stand it for days. That's why I don't settle in a romantic relationship thingy when obviously at the end of the day mauuwi lang naman sa hiwalayan ang lahat. Damn it, nasaan ang hustisya!" palatak niya sa huling sinabi na napapangiti pa. "Sa tingin ko hindi mo na kailangang kilalanin pa ang taong iyon kung sa umpisa pa lang alam niyo na pareho kung ano talaga ang gusto ng isa't-isa." dugtong ni Flynn.

"True love. That's what we need. Lahat tayo nangangailangan ng taong magmamahal sa atin ng lubusan, ng totoo at wagas." giit niya.

He chuckled. "Sounds romantic, but no. Sa panahon ngayon second option na lang ang true love, mas gugustuhin pa ng mga tao ang magpayaman kaysa pagtuunan ng pansin ang pag-ibig. Kaya kadalasan nakikipag-sex na lang sila without feelings involve. Less obligations, less responsilities at higit sa lahat walang hassle. That's how people seeking for fun, I thought. And it works for me."

"Yeah right, you're one of those aromantic men who seek pleasure but unable to commit with one woman." mapakla niyang bwelta sa binata. "Puwes hindi ako katulad mo na takot sa commitment. Saka hindi ko ginagawang laro ang pakikipag-sex, malaki parin ang respeto ko sa sarili ko ano, mabaliw na muna ako bago ko magagawa ang mga bagay na nakasanayan mo." sabay irap dito. "Ano 'yun maglalandian lang kayo, gagawing parausan ang isa't-isa tapos goodbye na? Mahalaga parin sa akin ang masasayang memories kaysa diyan sa sinasabi mong panandaliang aliw."

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon