CHAPTER 6

2.8K 37 0
                                    

FRUSTRATED na napasandal sa pader si Flynn nang tuluyang sumara ang pintuan. Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas wala na sa paligid si Anella. Sa ikalawang pagkakataon nagawa na naman niyang magtimpi sa kabila ng pang-uudyok sa kanya ng kamunduhan.

Abot-abot ang kaba niya. Halos dinig na niya ang malakas na dagundong niyon mula sa kanyang dibdib.

Hindi talaga niya maintindihan ang sarili sa tuwing napapatulala siya sa babae. He seems to be captivated by her high level of spells the moment he lead his eyes on her. Unintelligible heartbeat doing him no favors. Kung tutuusin katulad lang din ito ng ibang babaing dumaan na sa kanyang buhay.

Ano nga ba ang ipinagkaiba nito sa mga kauri bukod sa kagandahan, kariktan, alindog at kadalasan masarap... masarap titigan ang mapupungay nitong mga mata.

I don't see anything special about her, kaya walang dahilan para ma-arouse ako ng ganito katindi gayong hindi naman niya ako inaakit.

Awtomatikong tinakpan ang bumubukol sa pagitan ng kanyang mga hita. Laking pasasalamat niya na hindi iyon napansin ni Anella. Sobrang lapit pa naman nila kanina.

At buti na lang hindi niya nailapit ng husto ang katawan dito at baka lalong lumakas ang loob ng babae na pag-isipan siya ng masama sakaling naramdaman nito ang matigas niyang pagkalalake na bumubundol sa bandang puson nito.

Jesus Christ! He has to be more careful of his actions at all cost, and as agile as a monkey whenever she's around. Mahirap na baka mapahiya siya dito ng wala sa oras.

Try harder Filomeno, don't be such a distracted deucebag in front of her. Huwag mong hahayaan ang sarili mo na mawili sa alindog niya. Never. That is so unlike you! Sa loob-loob ni Flynn.

"So ngayon naman para akong timang na kinakausap ang sarili ko nang dahil lang sa babaing 'yon. This is crazy!" nagtagis na naman ang mga bagang niya sa ideyang iyon.

"NAKAKAINIS na talaga siya, hindi man lang ako sinamahan." Nakasimangot na wika ni Anella habang naglalakad patungo sa lugar na binaggit ng binata sa kanya. "Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa Mamita'ng sinasabi niya." Hirap ang kalooban sa kakaisip ng posibleng mangyayari sa pakikipagharap niya sa taong sinasabi nitong kakausapin daw niya.

Lord ano po ba itong napasok ko? Mangiyak-ngiyak niyang turan sa isipan.

Napatigil siya sa paglalakad nang matanaw ang babaing familiar ang mukha. Napasinghap siya at lalong nanibugho nang makilala ito.

Gustong kumaripas ng takbo ni Anella. Ngunit wala naman siyang lakas ng loob para ihakbang paalis doon ang mga paa. Nanatili lang siyang nakatayo. Abot-tanaw ang Doña na nadatnan niya sa bahaging iyon ng malawak na garden ng mansion. Prente itong nakaupo sa isang wrought-iron chair na pininturahan ng kulay puti. May isang maid na nakatayo sa tabi nito na kasalukuyang kausap ng matanda.

Atubili tuloy siya kung lalapitan ba ito o bumalik na lamang sa loob ng bahay at magmadaling umuwi sa kanila. Bumilis din lalo ang tahip ng kanyang dibdib nang maalala ang seryosong mukha nito noong una niya itong makilala.

S-siya ba si Mamita? Si Doña Graziela si Mamita? God, I'm in a deepshit!

Nataranta siya. Marahan pa niyang sinampal-sampal ang magkabilang pisngi kung totoong ito nga ang nakikita ng kanyang mga mata. Na baka pinaglalaruan lamang siya ng kanyang imahinasyon. Or maybe she was still drunk. Hindi pa nalulusaw ang epekto ng alcohol sa kanyang utak. Yeah, it could be like that. May hang over pa siya kaya pwedeng isa iyon sa naging sanhi ng pagiging paranoid niya at the same time.

Ngunit lahat ng nakikita niya ay totoo. Walang halong magic at kababalaghan. Napangiwi si Anella sa pagtanggap ng katotohanan.

Kung sana ay may kakayahan lang siyang mag-invisible nang mga oras na iyon nang sa ganoon ay madali na lang para sa kanya ang makaalis doon ng walang sino man ang makakapansin sa kanya.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon