CHAPTER 25

719 16 7
                                    

BANDANG hapon na nang maisipang yayain ni Flynn si Anella na maglakad-lakad sa dalampasigan. Sa umpisa ay nag-aatubili pa ang dalaga na sumama dito kahit na ang totoo ay kanina pa talaga niya balak lumabas ng kwaro. Nahihiya lang siyang magpaalam. Hanggang sa ito na nga ang kusang nangulit sa kanya na hindi naglaon ay pinagbigyan naman niya ang paanyaya nitong mamasyal.

Magkasunod nilang tinatahak ang dereksiyon patungo sa dalampasigan na walang imikan. Bigla-bigla'y nawawalan ng lakas ng loob si Anella na kausapin si Flynn dahil nang mga sandaling iyon ay mas nangingibabaw ang kaba at excitement sa puso niya. Nakontento na lang siyang pagmasdan ang magandang tindig ng binata kapag hindi ito nakatingin sa kanya.

Maging si Flynn ay ganoon din naman. Masaya na siya na ito ang kasa-kasama niya sa biglaang bakasyon sa Isla. At mukhang tama lang ang ginawa niyang isama ito doon. Magkakaroroon na sila ng pagkakataon upang mas makilala pa ang isa't-isa.

Ngunit ilang minuto na ang matuling lumipas nanatiling tahimik ang dalawa. Sa magandang tanawin nila iginugol ang atensiyon. But it never bores them to tears, and besides sapat na ang presensiya ng bawat isa upang i-enjoy ang mala-paraisong lugar.

Lalo na ang dalagang tuwang-tuwa sa bawat pagsalpok ng mga alon sa kanyang mga paa. Hindi rin niya alintana ang lumalamig na ihip ng hangin na nanunuot sa kanyang balat kahit mayroon pang sinag ng araw. But then everything seems perfect for her. Napaka-romantiko ang hatid sa kanya ng paligid. Bunos pa ang pag-ayon ng magandang panahon. Dahil sa wakas ay masisilayan na niya ang paglubog ng araw na malimit niyang masaksihan.

Kung marunong nga lang sana siyang magpinta ay hindi niya palalampasin ang napakagandang tanawin na kanyang nakikita.

"God, this is so beautiful... " hindi naiwasang sambitin ng dalaga. Tumigil siya sa paglalakad para
lang pagmasdan ng maigi ang unti-unting paglubog ng araw. "Kahit ilang beses ko pang masaksihan ang paglubog ng araw hinding-hindi ako magsasawang panuorin siya."

Wala sa loob na sinulyapan ang nagsalita na may tuwa sa kanyang mukha. "Huwag kang mag-alala, pagkatapos ng kasal natin iuuwi kita sa La Union. Meron kaming resort doon na pag-aari ng pamilya namin, tiyak na magsasawa ka sa sunset dahil araw-araw mong masisilayan." Litanya sa kanya ng binata.

Tumaas ang isa niyang kilay saka umismid. "What made you think na papayag akong mapakasal sa'yo?"

"Kung sakali lang naman na pumayag kang maging misis ko." Paglilinaw niya. Pigil ang matawa sa reaksiyon ng dalaga. "Alam kong hindi ka pa makapag-decide sa ngayon, so, hindi muna kita kukulitin sa ngayon."

"Sus! Kunyare ka pa eh, if I know nagpaparinig ka na naman para salingin ang pride ko, nang sa ganoon madali mo akong mapapayag na pakasalan ka."

"Can you at least tell me what to do to make you say yes?"

Maang na nagbawi ng mga mata si Anella sa nakakapasong tingin sa kanya ni Flynn. "Malalaman mo rin ang sagot ko sa tanong mong 'yan, one of these days. Sa ngayon ayoko munang isipin ang tungkol diyan, I want to enjoy this moment na walang ibang iniisip kundi ang sarili kong kaligayahan."

"If you say so, " kumibit siya ng balikat. Hindi man masaya sa naging sagot nito sa kanya ay sinang-ayunan na lamang niya ang desisyon ng dalaga. He needs to chill. Hindi nga naman madali ang hinihiling niya. Kung siya nga sarili niya nahihirapang tanggapin ang katotohanan ito pa kaya.  "Wanna go for a swim?" Pag-iiba niya ng usapan sabay sulyap sa katabi.

Maagap na umiling si Anella. "Hindi ako naka-ready. Bukas na lang siguro."

"Alright, hintayin mo na lang ako dito." pagkasabi'y walang pangingiming naghubad ng T-shirt sa mismong harapan ng babae. "Would you mind?" anitong iniaabot dito ang damit at swabeng napangiti.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon