一 oOo 一NAGISING si Anella sa ingay na nanggagaling sa loob ng banyo. Tunog ng pag-flush ng inidoro at bukod do'n napangiwi din siya sa biglang pagguhit ng kirot sa ulo niya. Nabaling sa nararamdamang pananakit sa parteng iyon ang atensiyon niya. Tuluyan siyang nagmulat ng mga mata kahit gusto pa sana niyang matulog. Aantok-antok na nag-unat siya ng mga kamay saka humikab.
Ngunit bigla na lang naudlot ang paghikab niya nang may mapansing kakaiba sa kanyang paligid. May pagmamadali sa kilos na napaupo bigla sa kamang kinalululanan niya saka inikot ang mga mata sa paligid.
Astonishment was filled in her eyes when she realized where she at. The room was quite elegant, embellished with the mid-century furniture that matches the minimalist inspired wallpaper. A modern dimension that gave the whole place a refreshing sight. Mga taong nagkakamal ng limpak-limpak na salapi lamang ang makakapundar ng ganoon kamahal na mga kagamitan.
Kaya napagtanto talaga niya sa sarili na wala nga siya sa mismo nilang bahay. Hindi naman kasi ganoon ang kulay at interior design ng kanyang kwarto, she may not fond of color yellow but her room was literally painted in plain Marseille yellow.
Eh! At kaninong kwarto naman kaya siya nagpalipas ng magdamag? Unang katanungan na nabuo sa utak niya.
Nadagdagan ang pananakit ng ulo ni Anella sa kawalan ng maisasagot sa mismo niyang tanong kasabay ng pagbundol ng takot sa puso nang dahil sa kapabayaang nagawa niya. Sinubukan din niyang alalahanin ang nangyari sa Bar kung saan siya umiinom mag-isa sa bar counter na masama ang loob. Ang tanging nasaisip niya ay maglasing at magpakalunod sa alak. Tila nawalan na siya ng pakialam sa sarili kung ano ang magiging kahahantungan ng paglalasing niyang iyon.
That's it! Nagpabaya siya, and now she's fucked up.
Pero ang tanging natatandaan niya kagabi ay may isang lalaking naglakas loob na kausapin siya. Obviously the guy was hitting up on her. Ilang minuto ang lumipas may tatlong lalake ulit ang lumapit sa kanya na parang mga maton. Malalaki ang pangangatawan at hindi niya kilala ang mga ito saka pinipilit siyang sumama daw sa kanila.
Bakit naman ako sasama? She thought in disbelief. Pero kalaunan ay nahimok din siya ng mga ito nang banggitin ng isang lalake ang pangalan ng Mommy niya. Dala marahil ng kalasingan walang pag-aatubiling sumama siya ng maayos sa mga ito. Lasing na siya at hindi na rin niya nagawang mag-isip ng matino kaya siguro ang bilis niyang mapahinuhod.
And surprisingly she saw her mom inside the car waiting for her. Tuluyang napalis ang agam-agam sa dibdib niya. Pero hindi naman nabawasan ang pagtataka ng dalaga, sa halip ay naguguluhan siya sa mga nangyayare. She has no idea what was happening last night, dahil nakikisabay na lamang siya sa agos. The rest she can't even remember. She was totally black out.
AT MUKHANG nawawala parin siya sa sarili dahil hindi niya kaagad napansin ang presensiya ng binata na nakalabas na pala ng pintuan ng banyo hindi kalayuan sa kanya.
He found her in a pensive mood. Naging daan naman iyon upang malaya niyang matitigan ang maganda nitong mukha na walang bahid ng make-up.
At siempre pa, pigil-pigil niya ang sarili na huwag maakit sa kagandahang natatanaw niya at baka sapian na naman siya ng kalaswaan ng wala sa oras. Napalunok si Flynn bago tuluyang isinara ang pinto. Napalakas iyon na maging siya ay nagulat din at marahang nag-alala sapagkat naistorbo niya ang pananahimik ng dalaga.
Napapiksi nga ito pagkarinig ng pagpinid ng pinto. Nabaling ang paningin sa kinaroroonan ng ingay na iyon, only to find out that she's definitely not alone. There was an unfamiliar guy standing next to that door, and damn! He's truly blessed with chiselled good looks and a pair of cheery and expressive brown eyes that make her ex's pale by comparison.
BINABASA MO ANG
Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"
RomanceHighest rank #1 Fixmarriage #6 Sweetheart #2 Pinoyromance STATUS: ON GOING (TEASER) - Siguro kung naaamoy lang ang pagnanasa nang mga sandaling iyon ay tiyak na samyung-sanyo iyon ni Anella na para b...