"SIGURADO ka bang ayaw mong magpahatid sa'kin?" naninigurong tanong ng binata pagdating na pagdating nila sa basement two kung saan nakaparada ang sasakyan niya.
"At bakit pa? Mas mabuting hindi na, ayoko yatang lumaki ang utang na loob ko sa'yo, baka mamaya niyan bigla ka na lang maningil, wala akong pambayad." mataray niyang sagot.
Wala sa loob na sumandal ng sasakyan si Flynn. Humalukipkip siya saka matamang tinitigan ang kabuuan ng babae.
Naasiwa si Anella sa klase ng pagkakatitig ng lalake sa kanya. Lalo na nang sumagi sa isipan niya ang nangyare kagabi. Hindi tuloy niya naiwasang itanong sa sarili kung paano kaya siya nito pinagmasdan na tanging dalawang maliliit na saplot lamang ang nakatakip sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.
"Ano na, magtititigan na lang ba tayo dito buong maghapon!" paantipatikang saad niya sa kausap. Nang sa ganoon ay hindi mapansin ng kaharap na kanina pa siya tinatablan ng karisma nito. "Nasaan na ang bag ko, akin na nang makauwi na ako sa amin!"
"Hindi ka pwedeng umuwi sa inyo na ganyan ang itsura mo." anito na hindi inaalis ang mga mata sa katawan ni Anella.
"At bakit hindi? Mukha na ba akong taong grasa, hindi pa naman 'di ba, like I care. Open this goddamn car now! Ang dami mong sinasabi."
"But I care. I swear."
Inis na muling hinampas sa braso si Flynn. "Give me the key, you prick! Wala akong panahon makipagbiruan sa'yo." nagdalawang isip siya nang biglang bumaba ang kanyang mga mata sa pantalon ng lalake.
Balak niyang kapain ang bulsa nito. Siguradong naroroon lang iyon ngunit nag-aalala naman siya na baka magkamali siya ng makakapa.
"Heto na, bubuksan ko na. Relax okay. But first you need to get inside the car." Inilapit niya ang mukha sa taenga ng dalaga. "Baliktad ang suot mo."
Asiwang nakagat ni Anella ang pang-ibabang labi nang mapagtanto ang sinabi ng binata. Napasinghap din siya sa natuklasan.
"Fuck!" tanging nasabi niya.
"Now it's either diyan ka sa loob ng kotse magpalit, o ihahatid kita sa inyo na ganyan ang ayos mo, you decide?"
"We had enough, ayoko ng makasama ka pa ng ilang minuto, for Pete's sake. Diyan ka lang, babaliktarin ko lang itong damit ko." nagbabanta ang mga titig niya kay Flynn. "Ano pa bang itatago ko sa'yo, napag-fiesta-han mo na nga kagabi ang katawan ko 'di ba! Pare-pareho talaga kayong mga lalake. Kung hindi manggagamit mga mapagsamantala." gigil na pasaring ng dalaga.
"Not at all. Sobrang laki ng pinagkaiba naming mga lalake lalong-lalo na ng ex boyfriend mong si Arvin. Dahil unang-una di hamak na mas gwapo ako at matangkad sa kanya. Pangalawa, wala pa akong ginamit na tao para lang maisakatuparan ang gusto ko. Infact kayong mga babae ang kadalasang nagti-take advantage sa'ming mga lalake, sinasamantala ninyo ang pagkakataon kapag alam niyong mahal kayo ng isang lalake. Hinahawakan niyo sa leeg, pilit niyong binabago ang ugali and stuff like that."
"Hindi ako ganyang klaseng babae! Kapag mahal ko ang isang lalake hindi issue sa'kin kung ano'ng ugali mayroon siya ang importante mahal namin ang isa't-isa."
"Kahit babaero at manloloko, okay lang sa'yo?"
"As long as we love each other, yes. Mamahalin ko siya sa abot ng aking makakaya. I'm willing to accept his flaws no matter how bad it is. Basta't hindi ako iiwanan sa ere, I'm fine with it."
"E 'di martir ka." pilosupong sabi ni Flynn. Hindi niya akalaing hopeless romantic pala ang babae.
Akala niya plain and boring lang ito, mas malala pa pala kaysa sa inaasahan niya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"
RomanceHighest rank #1 Fixmarriage #6 Sweetheart #2 Pinoyromance STATUS: ON GOING (TEASER) - Siguro kung naaamoy lang ang pagnanasa nang mga sandaling iyon ay tiyak na samyung-sanyo iyon ni Anella na para b...