CHAPTER 4

3K 38 1
                                    

NAISIP ni Flynn na magtungo na muna sa kanyang silid habang masinsinang nag-uusap ang dalawang babae.

He wanted to calm his nerve just for a few minutes, or maybe have some more sleep rather than sitting there and do nothing.

Nakatulog naman si Anella sa kinauupuan nito katabi ng ina dala na rin marahil ng sobrang kalasingan.

Ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay saka pa lamang ito umungol na animo'y nagdideliryo. Umakto na para bang masusuka sa kinauupuan. Naudlot naman ang usapan ng dalawa at sabay pang napatingin sa kinaroroonan ni Anella.

Ang paalis na sanang binata ay natigil sa paghakbang nang biglang pigilan ng abuela. Mabigat ang loob pero nilingon parin niya ito.

    "She needs your help Flynn. Take her inside the comfort room before she mess up." hindi iyon utos. Sadyang gusto lang subukan ng Doña kung susundin ba siya ng apo o isasawalang bahala nito ang sinabi niya.

Besides it'll be a good start to both of them. Paunti-unti ay makakasanayan din nila ang isa't-isa.

Nakapikit na muli ang mga mata nito nang siya ay makalapit. Kumilos si Flynn kahit gusto sana niyang balewalain ang utos na iyon ngunit hindi naman niya kayang suwayin ang matanda. Masunurin din naman siya kahit papano.

Hindi na natuloy ang una niyang plano sa hirit na iyon sa kanya ni Mamita. Nanatiling seryoso ang mukha habang inaalalayang makatayo ang lasing na dalaga.

Ngunit nang dahil sa kalasingan hindi ito makatayo ng maayos. Wala itong lakas para maglakad papuntang banyo. Nagmistula itong lantang gulay kaya naisipan niyang pangkuin na lamang ito sa pamamagitan ng kanyang malalakas na bisig. Magaan lang naman si Anella kaya hindi siya gaanong nahirapan. Besides anong silbi ng pag-aaksaya niya ng oras sa gym kung hindi niya gagamitin ang lakas at tikas ng kanyang katawan sa pagbuhat ng magandang dilag na ito.

Sa dinami-rami ng babaing pwedeng ipakasal sa'kin, bakit sa lasenggang ito pa ako ipinagkasundo! Iritadong wika ni Flynn sa isipan.

Naglakbay ang mga mata niya sa mukha ng wala paring ulirat na babae. Simula sa mapipilantik nitong mga pilikmata, ang maliit at katamtamang tangos ng ilong na bumagay sa maliit at bilugan nitong mukha hanggang sa mga labi nitong tila nag-aanyaya ng halik. Oo na, inaamin niyang maganda nga ito. She possessed that beautiful and angelic face at lalo pa yatang kaakit-akit sa kanyang paningin kapag tititigan pa niya ng matagal.

But wait! Ano'ng meron dito na bigla na lang nagpangiti sa kanya? May sumilay ngang ngiti sa gilid ng mga labi ni Flynn habang nakatitig sa magandang dalaga. Nakaramdam siya ng fondness sa kabila ng nararamdamang inis at disappointment kanina.

Pati yata pagtibok ng kanyang puso ay biglang bumilis kasabay ng biglang pagbangon ng kakaibang init na nagmumula sa kaibuturan ng kanyang pagkalalake. Magkadikit ang kanilang mga katawan at damang-dama niya ang kalambutan nito, ang init na nagmumula doon at ang epektong idinulot sa kanyang pakiramdam bilang lalake. Napalunok si Flynn nang muling bumaba ang kanyang mga mata sa mga labi ng babae.

Those two fleshy and luscious lips feels so soft and delectable in the eyes. It must be sweet and tasty as well. He wanted to devour them, but he was hesitant to kiss them. It was slightly open and it tempt the hell out of him.

Mapakla siyang natawa. This was new to him. Ang magpantasya ng babae sa unang pagkikita kahit wala namang ginagawang kahalayan sa paningin niya. She was just peacefully sleeping, pero pinagnanasaan niya ang kagandahang nakahain sa kanya na hindi naman niya madalas maramdaman sa mga kalahi ni Eva. O baka naman kaya lang niya ito napagtuunan ng pansin dahil wala siyang matinong maisip upang iresolba ang kasalang hindi niya kailanman ginusto. 

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon