CHAPTER 14

1.6K 30 4
                                    

NAIINIS at naiinip na si Flynn sa loob ng selda. Magtatatlong oras na siyang nakakulong ngunit wala parin ang isa sa abogado ni Mamita para areglohin ang paglabas niya.

Ayaw niyang isipin na kaya siyang tikisin ni Mamita. Siya na isa sa pinakapaborito nitong apong lalake? Pero bakit hanggang ngayon walang Mamitang dumarating upang ilabas siya doon?

Nagpupuyos ang kalooban ng binata lalo na at hindi siya sanay sa mainit at masikip na lugar. Ayaw din niya ang amoy ng paligid kahit pa sabihing hindi iyon kasing dugyot katulad ng napapanuod niya sa mga pelikula.

Hindi na niya kakayanin kung sakaling tumagal pa siya ng ilang araw doon. Malay ba niya kung ilang libong germs mayroon ang lugar na iyon. Ayaw yata niyang makakuha ng sakit mula doon ano!

Not a chance! I'm not supposed to be here... Disgusted niyang bulong sa sarili.

Tinawag niya ang isang Pulis para pakiusapan itong muli na tawagan ang Lola niya. At katulad ng nangyare kanina nahirapan na naman siyang mag-explain para ipaintindi sa mga ito ang mga sinasabi niya.

Gusto ng sumuko ni Flynn. Frustrated na talaga siyang makalabas doon. It only makes him sick and irritated with the people around him, but unfortunately he's having so much trouble to make them understand everything.

Kahit anong pilit niyang ipaintindi sa mga ito na mali ang interpretasyon nila sa nangyare kanina sa basement parking ng hotel ay hindi naman siya pinakinggan. Nais sana niyang sabihin sa mga ito na inosente siya at walang masamang binabalak laban sa dalaga.

They just ignored him, just like he's not even there. Daig pa niya ang nakikipag-usap sa hangin. Nobody wanted to listen his goddamn side and he hated it more. Gusto niyang manakal ng tao sa sobrang panggigigil.

Hanggang sa siya na mismo ang napagod. Laglag ang magkabilang balikat na naupo sa isang tabi kahit diring-diri siya na sumayad ang pang-upo sa bakanteng silya.

Nakakapangilabot din ang mga tingin sa kanya ng tatlong lalake na kasama niya sa loob ng kulungan.

Damn it, he can smell them from afar. A stench of stale sweats of those men wafted through the thin air, dahil hindi naman kalakihan ang selda kung saan sila naroroon. Suddenly a thought crossed his mind out of nowhere. Hula niya may ilang araw na rin siguro mula nang maligo ang mga ito.

Nadagdagan ang pagkabalisa niya sa isiping iyon. May pakiramdam din si Flynn na hindi siya safe hangga't naroroon siya't nakakulong. Wala siyang tiwala sa mga tao sa loob.

Pero paano na lang kung hindi siya kaagad mapiyansahan? Does it mean mananatili din siyang nakakulong ng ilang araw kasama ng mga estranghero at walang ligo? Hell no! He won't let it happen.

Iniwas niya ang mga mata sa tatlong lalake bago pa nila mabigyan ng masamang kahulugan ang uri ng mga tinging pinupukol niya sa mga ito.

Ang kailangan niyang gawin sa ngayon ay ang mag-isip ng paraan kung paano makakalaya. But wait a minute, saang bahagi naman kaya ng utak niya hahagilapin ang panibagong ideya gayong kanina pa nagugulo ang isipan niya sa mga nangyayare sa kanya?

Nagsalpukan ang mga kilay ni Flynn kasabay ng galit na umusbong mula sa kanyang mga mata. Naglalaro sa kanyang isipan ang mukha ni Anella; na siyang dahilan kung bakit siya nakakulong sa mga rehas ng walang kasalanan.

You'll gonna regret this Anella, kung sa tingin mo palalampasin ko 'tong ginawa mo, puwes! nagkakamali ka ng taong binangga. I'll make you pay for this!

Nagngingitngit ang kaloobang wika ni Flynn patungkol sa dalaga kasabay ng paggalawan ng mga masel sa kanyang panga. Pagkuwa'y may ngiting sumilay sa gilid ng kanyang mga labi. Ngiting may bahid ng galit at pait.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon