5,000 reads na tayo guys! Thank you sa reads and votes much appreciated 😘 At dahil diyan sisikapin kung maging active dito kahit madalas nagiging marupok si Author sa NCT. 😂 - DOLCE SVETA
- oOo -
IKINATUWA niya ang pagdala sa kanya ni Flynn sa ibat-ibang lugar na nadadaanan nila. Doon ay magkasama nilang pinalipas ang maghapon sa pamamasyal kahit na saglit lang silang dalawa magkikibuan.
Nakasunod lang ito sa likuran niya. Marahil ay binibigyan siya ng pagkakataong mapag-isa. Pero nararamdaman ni Anella na kahit ayaw man sabihin ni Flynn alam niyang nababagot na ito sa maghapon nilang pamamasyal. Ngunit dahil nangako itong hindi siya iiwan ay heto at ginagampanan nga nito ang papel bilang confidant niya sa araw na iyon. Masiguro lang nitong wala siyang gagawing ikakapahamak niya mismo.
Hanggang sa inabot na sila ng dilim sa labas. Si Flynn ang nagyaya sa kanya na mag-bar. At katulad ng nauna wala na naman silang imikan kahit paminsan-minsan nagkakahulihan ng tingin ang kanilang mga mata. Magkaganoon man ay masaya siya na naroroon lang ito sa paligid niya.
Pero may pagkakataon parin talaga na bumabalik sa isipan niya ang masasakit na kaganapan sa kanyang buhay sa kabila ng humuhupa na sanang kirot na gumagapang sa puso at damdamin ni Anella.
She tried enough not to cry again but her tears came without warning. Ilang beses na niyang binabantaan ang sarili na hindi na magpapaalipin sa sarili niyang kahungkagan. At hindi na dapat niya iniiyakan pa ang lalaking iyon ngunit masakit parin para sa kanya na malaman ang katotohanan.
She didn't deserve to get hurt. Tunay niyang minahal si Arvin at pinagkatiwalaan niya si Frija. She felt betrayed. Bakit kailangang siya ang nasasaktan samantalang naging mabuti naman siyang kasintahan at kaibigan sa mga ito. Iyon ba ang kabayaran sa lahat ng kabutihang ipinakita niya sa mga taong minahal at pinagkatiwalaan niya? Kailangan bang siya ang magdusa?
Marahil nga tama si Flynn, hindi puro puso lang ang dapat pinapairal kung hindi naman talaga sigurado na seseryosohin ka rin ng taong pag-aalayan mo ng pagmamahal.
Napatingin si Anella sa binatang tahimik na umiinom din sa bar counter limang pulgada ang layo mula sa kanya.
Tinulungan na naman siya nito sa ikalawang pagkakataon. Ang tanging nasa isipan niya kanina ay ang lumayo kina Arvin at Prija. Ngunit dahil namamanhid ang buo niyang pagkatao hindi niya kaagad naikilos ang mga paa upang makalayo sa mga ito.
Si Flynn ang nagmistulang mga paa niya; ang naglayo sa kanya sa mga taong siyang naging dahilan kung bakit siya nasasaktan. Umiiyak ng dahil sa pag-ibig.
Pakiramdam na para siyang magaang papel na tinangay ng hangin dahil hindi na niya nagawa pang magprotesta nang sapilitan siya nitong hatakin papasok sa loob ng sasakyan. Hinayaan din niya itong dalhin siya kung saan man nito balak. Basta makalayo lang siya sa lugar na iyon.
At kung maaari lang sana ay hindi na niya gugustuhin pang makita ang dalawa kahit kailan. Magpakasaya man sila ngayon at magbunyi sa pagiging taksil ng mga ito ay wala na siyang pakialam pa.
Tatanggapin niya ang katotohanan na hindi siya ang pinili ng lalaking dating minahal. Tatanggapin niya ng bukal sa kanyang kalooban kahit sobrang hapdi ang naidulot nito sa kanyang damdamin.
Napayuko si Anella sa isiping iyon. Ang eksenang din na iyon ang nahagip ng paningin ni Flynn.
May awang nakasilip sa kanyang mga mata habang nakatitig sa dalagang naghihinagpis. Sa simula't-sapol hindi niya hinahayaan ang sarili na makaramdam ng anumang emosyon lalo na sa ganoong sitwasyon. Ayaw niya ng madramang eksena sa pag-aakalang ginagamit lang iyon ng mga kababaihan upang makuha ang loob nilang mga kalalakihan.
BINABASA MO ANG
Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"
RomanceHighest rank #1 Fixmarriage #6 Sweetheart #2 Pinoyromance STATUS: ON GOING (TEASER) - Siguro kung naaamoy lang ang pagnanasa nang mga sandaling iyon ay tiyak na samyung-sanyo iyon ni Anella na para b...