CHAPTER 2

5.4K 55 0
                                    

ILANG MINUTO na siyang nakatulala sa kawalan ay saka pa lamang unti-unting nag-si-sink in sa isipan ni Anella ang pakikipaghiwalay sa kanya ng nobyong si Arvin na para bang nagpapaalam lang ito na uuwi lang at hindi na babalik kahit kailan. Hindi siya makapaniwala na ito pa mismo ang makikipag-break sa kanya, of all people. Ginulat siya nito ng bongga at wala siyang kamalay-malay na may plano pala itong makipaghiwalay na sa kanya.

Yes, that was a fucking revelation that shocked her intire world! Hindi niya kailanman inaasahan na darating sila sa puntong iyon. Bibitiwan din pala siya ng lalake sa gitna ng gumaganda na sana nilang relasyon.

Sinubukan niyang alalahanin lahat ng pangyayaring naganap sa kanila noong mga nakaraang araw ngunit wala siyang maalala na nagkaroon sila ng problema sa isa't-isa. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit bigla-bigla ay nakipaghiwalay sa kanya ang lalake ng ganoon lang kadali at walang malinaw na eksplenasyon.

Wala silang pinag-awayan na magiging sanhi ng samaan nila ng loob, at lalong wala siyang pagkukulang sa nobyo para magdeklara ito ng hiwalayan. Kung mayroon man siyang hindi kayang ialay dito siguro ay ang kanyang pagkababae. May panata yata siya sa kanyang sarili na malinis at buo siyang haharap sa altar bago ikasal. Kaya naman kahit ilang beses na siyang pinipilit ni Arvin na magsiping sila ay matigas pa sa Ayers rock kung siya ay makatanggi dito. Pero sapat na dahilan na ba iyon para makipag-break ito sa kanya dahil lang hindi niya kayang isuko ang pinaka-iingatan niyang dangal? Napakababaw na rason naman yata niyon kung saka-sakali.

Four months pa lang silang mag-on at sa loob ng apat na buwan ng kanilang relasyon nakikita at nararamdaman niya kung gaano ito kabuting nobyo sa kanya. Maalaga si Arvin at maalalahaning klase ng tao. At ganoon din naman siya sa lalake. She was always been loyal and faithful girlfriend for him.

But what happened now was a total messed up. It disappointed her big time! Inaakala pa naman niyang magtatagal sila ng binata; na ito ang lalaking sagot sa kanyang dasal na magmamahal sa kanya hanggang sa huling hininga ng kanyang buhay.

Pero hindi pala. Naghangad lang siya ng maling lalake. Nagmahal ng maling lalake na inaakala niyang makakaintindi sa sitwasyon niya. Pero kung sakali bang ibinigay niya dito ang sarili ng buong-buo darating kaya sila sa point ng hiwalayan? Papano kung tama ang sapantaha ng Mommy niya na baka katawan lang niya at pera nila ang habol nito sa kanya. Kung nagkataon pala na bumigay siya sa lalake siguradong siya ang lalabas na talunan.

Screw him! Ni wala man lang ibinigay na maayos na rason kung bakit ito bumitaw sa kanilang relasyon. He left her hanging in the middle. Perplexed by the sudden circumstance.

Hindi namalayan ni Anella ang pag-agos ng mga luha sa kanyang makikinis na pisngi. Hinayaan niya ang mga luhang bumuhos kasabay ng sakit at pagkabigong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Maging ang panahon ay nakikidalamhati sa napurnada niyang relasyon.

Mula sa floor to ceiling na dingding na gawa sa fiber glass ng restaurant ay puno ng hinanakit ang mga matang nakatanaw sa malayo. Tahimik na umiiyak sa kabila ng pamimigat ng dibdib.

As if namang ayaw niyang makuha ang pansin ng ibang customer na kumakain din doon. Siyempre ay ayaw din naman niyang ipahiya ang sarili sa ibang tao.

Nawalan na rin siya ng ganang kumain. Mas nangingibabaw ang sama ng loob kaysa matakam sa masasarap na pagkain na nakahain sa kanyang harapan kaya halos hindi pa niya iyon nagagalaw. Ugali pa naman niya ang hindi kumain kapag nakakaramdam ng pamimigat ng loob, o 'di kaya ay galit siya.

Pinahid niya ang mga luhang walang patid sa pagtulo mula sa kanyang mga mata.

Nanatili muna si Anella sa kinauupuan ng ilang minuto bago niya naisipang umuwi na sa kanila. Ano pa nga ba ang gagawin niya doon. Iniwanan na siya ng ka-date matapos ipaalam sa kanya ang nais nitong sabihin. At kaya lang pala nakipagkita sa kanya ang hudyo para isaboses ang nilalaman ng damdamin nito.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon