NAKASIMANGOT na tinapunan ni Anella ng tingin si Flynn paglabas na paglabas niya ng banyo habang yakap ang sarili at tanging tuwalya lamang ang nakatabing sa kanyang kahubaran.Naaasiwa man sa presensiya ni Flynn ay sinubukan na lamang niyang balewalain. May pagmamadali sa kilos na nilampasan ang nakaupong binata. Kaagad na dinampot ang damit na siya niyang inihanda kanina bago pa man siya pumasok ng banyo.
Nakaugalian na niyang iwanan iyon sa ibabaw ng kama dahil sa kwarto na rin siya madalas nagbibihis pagkatapos niyang maligo sa umaga man o sa gabi. Subalit nang mga sandaling iyon ay nawala sa isipan niya na mayroon nga pala siyang kasama at lalake pa.
Napagtripan tuloy siya ng pilyong binata.
Samantalang napapangiti naman si Flynn at tuwang-tuwa sa nakikitang inis sa maganda at maamong mukha ni Anella. Sa katunayan ay nakadagdag lamang iyon sa kagandahang taglay nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang sariling humanga sa nakakaakit nitong anyo.
Nanatili namang silyado ang kanyang bibig ngunit ang mga mata niya ay nakatunghay naman sa kabuuan ng babae na para bang kinakabisado sa isipan ang bawat kilos nito.
Saka lang bumalik sa tamang huwesyo ang isipan niya sa muling pagbalik si Anella sa loob ng banyo para magbihis. Inabala na lang muna niya ang sarili sa pamamagitan ng panunuod ng telebisyon at habang hinihintay ang pagdating ng pagkaing in-order niya kani-kanina lamang kaysa naman pagdiskitahan ang pikon niyang kasama.
Ngunit nakailang lipat na siya ng channel ay wala man lang siyang natipuhan sa mga iyon. Disappointed na napahinga ng malalim at akmang pipindutin na sana niya ang off button sa remote control nang biglang...
"Huwag mong ilipat, panunuorin ko 'yan!" masiglang naisatinig ni Anella sa muli niyang paglabas ng banyo.
Marahan pang nagulat si Flynn sa tinuran nito. Sa kanya na naman tuloy nabaling ang atensiyon ng binata. Nagtatanong din ang mga tingin na ipinupukol dito.
"You're watching horror movie?" halos hindi makapaniwalang tanong kay Anella.
"Why not? I love horror movies, it's quite entertaining you know." Medyo at ease na ang pakiramdam niya. Kampanteng tumabi ng upo kay Flynn at masaya na ulit ang bukas ng mukha.
Kunwari ay na-amazed ang binata sa kanyang sagot. "Wala sa itsura mo, akala ko kasi romantic movies lang ang pinapanuod mo. Well, you act like it, your unique perspective about love makes you a hopeless romantic." umpisa na naman niyang asar dito.
"Whatever Filomeno!" balik-asar din niya sabay irap.
"Stop calling me by my real name. You know I hate it." reklamo niya.
"Oh good, then maybe you should stop making fun of me too, hindi ka rin kasi nakakatuwa. Now you know how it feels like, Filomeno."
Napikon si Flynn. "It's Flynn," pagtatama niya. "Kung alam ko lang na gagamitin mo lang ang pangalan ko para asarin ako, sana pala hindi ko na muna sinabi sa'yo." nagsisisi niyang pasaring sa dalagang pigil ang mapangiti.
"Unfortunately you did. Isa pa malalaman ko pa rin naman sa mismong araw ng ka─ " kaagad niyang tinakpan ang bibig bago pa man niya masabi ng tuluyan ang nilalaman ng kanyang isipan.
Bumalik ang saya at sigla sa guwapong mukha ni Flynn kahit bitin ang pagkakasabi ni Anella. Pero sapat na ang mga katagang narinig niya upang lihim na magbunyi ang nagagalak niyang damdamin.
"Pumapayag na 'yan." tudyo niya dito sabay sundot ng kanang pisngi ng katabi. "Please pumayag ka na... " pinagdaop pa ang dalawang palad sa harap ng dalaga. Matamis din ang mga ngiti sa gilid ng kanyang mga labi. "Promise hindi na kita kukulitin at aasarin basta't pumayag ka lang na ikaw ang magiging bride sa kasal ko."
BINABASA MO ANG
Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"
RomanceHighest rank #1 Fixmarriage #6 Sweetheart #2 Pinoyromance STATUS: ON GOING (TEASER) - Siguro kung naaamoy lang ang pagnanasa nang mga sandaling iyon ay tiyak na samyung-sanyo iyon ni Anella na para b...