"WAS THAT your Mom?" curious niyang usisa sa dalaga pagkaupo sa tabi nito. "Aww, sorry... " pagkuwa'y hingi niya ng paumanhin nang ma-realized ang sarili niyang tanong. And being nosy wasn't his intention at all. "I shouldn't asked such question, you don't have to answer anyway."
"Wala pa akong lakas ng loob para kausapin si Mommy." May lungkot sa tinig na amin niya sa binata sabay iwas ng tingin.
"But I think she has the right to know where you at, Anella. For sure nag-aalala na 'yon sa'yo. Kahapon ka pa kaya nawawala. Umalis ka ng walang paalam sa kanya. Don't let her worried so much."
"Sa tingin mo ba hindi ko naiisip 'yon? Alam ko namang mali 'yung ginawa ko, umalis ako ng hindi nakapagpaalam ng maayos. Tinakasan ko siya na may sama ng loob. Kahit kailan hindi naging madali sa akin na gawin iyon," mahina pero klarong saad ng dalaga. Just enough not to catch everyone's attention. "Besides, nasabi ko na rin naman sa kaibigan ko kung nasaan ako, baka nga sa mga oras na 'to nakarating na sa Mommy ang balita."
"Dapat sa'kin ka na lang nakiusap, 'di ba? Kung ayaw mo siyang kausapin, nandito naman ako. I'll let her know. Mas maige sana kung sa atin mismo nanggaling hindi sa ibang tao, dahil iyon ang tama at nararapat gawin." Kontra ni Flynn sa sinabi niya.
Humugot ng malalim na hininga si Anella. Pilit pinipigilan ang iritasyon. "Alam mo, kung pagtatalunan na naman natin ito, I think it would be better if you stop talking, instead of telling me what to do, or telling me what to say. Because obviously I don't need your help!" aniya na hindi na napigilan ang inis. "So, please lang... for once, hayaan mo muna akong makapag-isip at magdesisyon para sa sarili ko,"
Napayuko si Flynn. Naiintindihan naman niya ang pinagdadaanan nito dahil pareho lang sila ng tinatahak na landas at parehong naiipit ng sitwasyon.
"You know what, if there's one person who would understand my situation right now, it should be you Flynn. Dahil iisa lang ang problemang kinakaharap natin ngayon. Ang dahilan kung bakit gusto kong magpakalayo-layo, baka sakaling may maisip akong solusyon sa problema natin kahit alam kong napaka-imposible. Ang importante lang naman sa'kin ay mabawasan ang bigat sa dibdib ko. Kaya 'wag mong ipamukha sa akin na parang ang sama-sama kong anak. And just to let you know, I hate to feel this way too at never kong ini-enjoy ang pagiging miserable."
"I'm sorry... " malumanay na saad ng binata. "The truth is, wala na rin akong ibang maisip na idadahilan kay Mamita para makumbensi siyang itigil na ang kasal. Hindi na kita matutulungan, at lalong wala na akong magagawa kundi ang pumayag na lang kahit labag sa loob ko."
Sa loob-loob ni Anella ay may awang unti-unting umusbong sa kanyang damdamin para kay Flynn sa kabila ng iritasyong nararamdaman dito kanina. Maski siya ay wala ng maisip na paraan upang umatras sa kasal. Gustuhin man niyang tumakas at magpakalayo-layo ay hindi naman kaya ng konsensiya niya na talikuran ang kanyang ina at mag-isang haharap sa kahihiyang idudulot niya dito sa kasalukuyan.
Ano pa ba ang maaari nilang gawin upang tuluyang makalaya sa kasunduang pilit nilang tinututulan? Dahil habang lumilipas ang araw unti-unti ring sumisibol sa puso nila ang kakaibang damdamin na ang dulot ay saya at pananabik na makita at makasama ang isa't-isa. Subalit hindi naman nila matukoy kung ano ang ibig sabihin niyon.
Saglit na tinapunan ng tingin ang katabing binata bago ibinaling ang atensiyon sa labas.
Doon niya ibinuhos ang natitirang oras ng biyahe sa pamamagitan ng pagtanaw sa malawak na karagatan. Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang bumabagabag sa kanyang damdamin.
Katahimikan ang sumunod na naghari sa pagitan nilang dalawa. Walang nagawa si Flynn kundi respetuhin na lamang ang desisyon ni Anella saka inintindi ang saloobin nito. Isa pa ayaw din naman niyang dumagdag pa sa sama ng loob na dinadala nito. Baka imbes na magiging masaya at memorable ang bakasyon nila sa Isla ay mauwi lamang sa galit at dismaya. But ofcourse, he doesn't want to ruin everything. Kailangan niyang habaan ang pasensiya upang makasabay sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"
RomanceHighest rank #1 Fixmarriage #6 Sweetheart #2 Pinoyromance STATUS: ON GOING (TEASER) - Siguro kung naaamoy lang ang pagnanasa nang mga sandaling iyon ay tiyak na samyung-sanyo iyon ni Anella na para b...