LUMIPAS ANG bawat oras na hindi masyadong nag-iimikan kahit pa magkasama nilang sinubok ang mga sikat na activities na iyon ng Isla. Katulad ng scuba diving, kayaking and stand up paddle boarding.
Pagsapit naman ng alas dos ng hapon ay nagtungo sila sa Haad Rin Nok beach kasama ang iba pang turista na gustong subukan ang jet skiing at wakeboarding doon. Kompleto na sana ang araw ni Anella kung hindi lang sumama ang loob niya kay Flynn.
Tinikis niya ang sariling huwag makipag-usap dito. She managed to keep her distance as well. Pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat ay dinidiktahan siya kung ano'ng gagawin niya lalo na kung labag na labag iyon sa kalooban niya. She wouldn't allow that person to rule over her. Kalabisan na iyon at hindi niya kailanman ikatutuwa.
Pasado alas kwatro na nang matapos ang activities nila nang araw na iyon. Mga bandang alas sais na sila nakabalik sa Hotel na wala pa ring imikan.
Iilang beses namang nag-a-attempt si Flynn na suyuin siya subalit madamot ang pagkakataon dahil talaga yatang sinasadya ni Anella na siya ay iwasan. Nasa likuran lang siya nito nakasunod dito. Abot-tanaw ng kanyang paningin pero hindi niya makausap ng matino.
Hinayaan muna niya ang babae sa kung ano mang trip nito. Bahala na mamaya. Saka na niya ito kakausapin kapag malamig na uli ang ulo at handa ng humarap sa kanya.
PATUNGO na sana si Anella sa kinaroroonan ng elevator nang marinig naman niya ang boses ng isang babae na tinatawag ang pangalan ni Flynn. Naudlot ang paghakbang ng dalaga para lang lingunin kung sino ang babaing iyon na para bang sabik na sabik sa binata ng maraming taon.
Pansin niya iyon sa kilos ng babae at nahihimigan niya sa boses nito the way she called his name.
Kaagad ding lumingon si Flynn upang alamin kung sino ang taong tumatawag sa kanya.
"Flynn!" masiglang ulit nito na abot hanggang taenga ang ngiti sabay lapit sa kinaroroonan ng pakay.
"Allison?" parang hindi pa makapaniwalang sambit niya sa pangalan ng babae nang ito'y kanyang makilala.
"May iba pa bang Allison sa buhay mo bukod sa'kin?" Malambing na sagot nito sa kanya.
Ngumiti siya ng nakakaloko. "Nagulat lang ako. How did you know I'm here? I mean, paano mo ako nahanap?"
"Nothing is impossible for me, silly. I really wanted to surprise you, namimiss na kasi kita. Lalo na 'yung... " kagat labing ibinitin ni Allison ang sinasabi.
Awtomatikong ikinawit ang mga kamay sa leeg ni Flynn saka ginawaran ng halik ang mga labi nito.
Nanlaki bigla ang mga mata ni Anella sa ginawang iyon ng babae. Napaawang din ang mga labi niya sa pagkagulat.
Ah, ganyang klase pala ng babae ang gusto niya. Tsk! Kahit hindi na nga siya manligaw halatang atat sa kanya ang isang ito. May pait na ngiting gumuhit sa gilid ng mga labi ni Anella. Pinaalala lang sa kanya ng eksenang iyon ang tungkol sa kataksilan nina Arvin at Frija.
Sa ganyang paraan din kaya naakit ni Frija si Arvin? Masyado ba akong prim and proper kumilos kung bakit hindi ko kayang gawin ang mga bagay na nagagawa ng ibang babae?
Nanlalata ang pakiramdam niya sa naisip. Magkahalong lungkot at awa sa sarili ang naramdaman ni Anella kaysa magalit sa mga taong pinagkatiwalaan niya. Nasaktan siya sa katotohanang tila nakakatulig na sampal sa kanya ng reyalidad.
Maya-maya ay merong ibinubulong si Allison malapit sa taenga ni Flynn na hindi nakaalpas sa paningin ni Anella. Pagkatapos ay parehong napangiti ng pilyo ang dalawa na nagdulot sa kanya ng inis. Tuluyang sumama ang pakiramdam niya sa mga nakikita.
BINABASA MO ANG
Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"
RomanceHighest rank #1 Fixmarriage #6 Sweetheart #2 Pinoyromance STATUS: ON GOING (TEASER) - Siguro kung naaamoy lang ang pagnanasa nang mga sandaling iyon ay tiyak na samyung-sanyo iyon ni Anella na para b...