CHAPTER 27

663 24 3
                                    

"I BEG TO disagree. Hindi kayo pwedeng umalis na hindi kami kasama. Dapat nando'n din kami ni Allison kung saan kayo pupunta." Singit ni Flynn sa usapan nila. To the point na ayaw talaga niyang masolo ni Jayce ang babaing kanyang mapapangasawa. Lalo na at dati na palang magkakakilala ang dalawa.

Katulad niya ay isa't-kalahating babaero din itong si Jayce. Patunay ang mga babaing nagkakandarapa dito. His redeeming qualities cannot be denied. Saka hindi lang panlabas na anyo ng binata ang kinababaliwan ng mga babae dito, he has his own ways to turned them on and needy. Women would definitely tripping into each other makuha lang ang atensiyon niya.

Ofcourse hinding-hindi niya hahayaang pati ang babaing nakalaan para sa kanya ay maaakit sa pinsan niya. Hindi siya papayag.

Not on his watch!

Sa kanya tuloy nabaling ang atensiyon ng mga kaharap. Walang kangiti-ngiti at hindi mababakasan ng tuwa ang bukas ng mukha ni Flynn. Maging ang tinig nito ay mahihimigan ang disgusto.

"Much better. The more, the merrier! What do you think Anella?" Sang-ayon na lamang ni Jayce sa nakikitang bitterness na nakapagkit sa mukha ng pinsan.

Alam niyang may ibig ipahiwatig ang mga tinging iyon ngunit dahil hindi naman masabi ng hayagan sa kanila ay idinaan nito sa pamamagitan ng seryosong mukha. Malakas ang kutob niya na mayroong kakaibang namamagitan sa dalawa. He can sense the tension between the two of them. They can keep that feelings under their noses but not on his face.

Sa kaila-ilaliman ng isipan ni Jayce may ngiting nais sumibol doon habang naglalaro sa utak ang maaari niyang gawin upang lalong asarin si Flynn. Hindi siya titigil hangga't hindi niya ito napapaamin. On the other hand, alam ng binata kung gaano katigas ang damdamin ng pinsan pagdating sa usapang puso. Flynn never fell in love nor attached with women that easy. Pero sa mga nakikita niya ngayon, he can tell that his cousin has a thing for Anella. Sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang niya napansin ang selos at pagiging possessive nito pagdating sa dalaga.

NAPILITANG gumanti ng ngiti si Anella sa ubod tamis na mga ngiti ni Jayce. "O-Oo naman, it'll be fun I guess." Sabi na lang niya sa kabila ng naguguluhan niyang isipan. Iba ang pakiramdam niya sa mga titig ni Flynn sa kanya. It's not like she wanted to jump into conclusion but the way he stared towards her... there's a hint of anger, or warning maybe?

Sumikdo ang puso ng dalaga. Hindi siya sigurado kung galit nga iyong nakikita niya. May dahilan ba para magalit ito sa kanya? May mali ba sa ikinikilos niya nang mga sandaling iyon upang umasta itong strict na boyfriend sa kanya? Naisip niya na baka namamalik-mata lamang siya dahil hangga't maaari ay ayaw na niyang bigyan ng anumang kahulugan ang ikinikilos ng lalake. Mali iyon. Besides she doesn't want to assume.

"Let me help you pack your things Flynn," boluntaryong saad ni Allison pagkaraan.

Dito nabaling ang pansin ni Anella.

"What room are you in nga pala para alam ko kung saan kita pupuntahan mamayang gabi so you and I can talk privately just like the usual." Pilyang pinaraanan ng hintuturo ang pisngi ni Flynn pababa sa leeg nito. Nang-aakit pa ang mga ngiti ni Allison habang sinasabi ang mga katagang iyon sa binata.

Nagdulot ng iritasyon kay Anella ang pagiging malapit ni Allison kay Flynn. Parang balewala lang dito ang presensiya niya at ni Jayce kung harutin nito ang lalake sa harapan nila.

Nagkunware siyang nasamid upang agawin ang atensyon ni Flynn mula sa babae. Lihim siyang natuwa dahil kaagad ngang bumaling sa kanya ang tingin ng binata na may pag-aalala nang magtama ang kanilang mga mata ngunit saglit lang iyon. Kay Allison na ulit ito nakatingin.

"It's fine Alli, I can do it myself, thank you so much." masuyong hinaplos ang kanang braso ng babae na sinundan ng tingin ni Anella. "So anyway," tumayo siya upang lapitan si Anella na kasalukuya nang nagbaba ng mga mata. "You guys stay here, I'll be back right away. Ihahatid ko lang si Ms. Yuennan sa Hotel."

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon