CHAPTER 12

1.9K 42 4
                                    

MABIGAT ang pakiramdam ni Anella pagkagising niya kinabukasan. At katulad kahapon nananakit na naman ang ulo niya sa epekto ng nakakalasing na inumin.

Fucking hangover! Piping mura niya.

"A-aray!" padaing na reklamo sa bawat pagpintig ng kirot. Napangiwi din siya nang haplosin ang sentido.

Kahit nanghihina ang katawan ay pinilit niyang iunat iyon sa pag-aakalang makakatulong upang buhayin ang mga ugat sa buo niyang sistema.

At sa muling pagmulat ng kanyang mga mata binaha ng magkahalong pangamba at pagkabahala ang katauhan niya nang tuluyang mag-sink in sa utak ang lugar kung saan siya naroroon.

"Oh shit! Shit nasaan na naman ako?!" palatak niya na puno ng pag-aalala ang tinig. "You're so stupid Anella, nagiging habit mo na yata ang magising sa ibang kwarto. How pathetic, hindi na ito nakakatuwa, sa ganitong sitwasyon ka pa talaga nagpabaya." paangil niyang wika sa sarili.

Nakaramdam tuloy siya ng takot na baka sa susunod na magising ulit siya sa ibang kwarto ay kapahamakan na pala sa kamay ng ibang tao ang naghihintay sa kanya.

"Did I wake you up again?" swabeng tanong sa dalaga pagkasara niya ng pintuan ng banyo.

Sumigla ang pakiramdam ni Flynn nang mabungaran ang bagong gising na dalaga. Iniisip pa naman niya kanina na baka sa paglabas niya ng palikuran hindi na niya ito mahahilap pa sa buong kwarto. But she's still there... at tulad kahapon pagkalito ang unang mapapansin niya sa maganda nitong mukha nang siya ay lingunin.

Natigagal si Anella nang tuluyang mahagip ng mga mata ang nakatayong lalake. He was halfway naked, at kapansin-pansin din ang mamasa-masang buhok nito.

Malayang naglandas ang kanyang mga mata sa upper body ni Flynn pababa sa tiyan nitong puno ng abs. He was prominently brawny type of a man that she likes to stare the whole time. Wala yata itong ginawa sa buhay kundi ang magpahulma ng masel sa gym dahil mukhang na-achieved naman nito ng bongga ang katawang ninanais. She wonder how hard those biceps and abs that perfectly in place. They we're tempting to touch as well.

Kailangan ba talaga niyang iparada sa harapan ko ang kamachohan niya?

Asiwang nagbawi ng mga tingin si Anella. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa sarili kahit gustong-gusto niya ang mga nakikita. Maski ang ihip ng hangin ay tila naging maalinsangan.

Not again! Nag-flashback sa utak niya ang nangyare kahapon. Parang inulit lang ng pagkakataon ang lahat. Same scenario, although magkaiba ng venue. Magigising siya na ito ang unang makikita sa umaga at pagkatapos ay mababahiran ng kalaswaan ang dati'y disente niyang pag-iisip kapag napapatingin siya dito nagiging marupok ang pakiramdam niya.

Hindi kaya sexually attracted na rin siya sa binata?

Agad-agad 'te? Iyang lalaking 'yan pinagnanasaan mo! Goodluck sa'yo! Sa loob-loob ni Anella. Kulang na lang iikot na niya ang mga eye balls dala ng iritasyon.

Yeah. She's supposed to hate him right now, hindi 'yung nagpapaalipin siya sa deadly charm ng binata.

Well atleast napatunayan naman niya sa sarili na hindi siya manhid, that finally after twenty-four years tinablan rin siya ng kahubdan ng isang lalake. Naaapektuhan ang pagiging babae niya. Just enjoy the view baby girl!

She can't deny the fact not even a little na may puwang sa puso niya ang nagdiwang pagkakita sa gwapong nilalang na ito at hindi nakakasawang pagmasdan ang kakisigang taglay ng loko.

Sinaway niya ang sarili sa mga bagay na naiisip nang mga sandaling iyon. Umaktong hindi apektado sa presensiya ng binata.

Wake up Anella! This is not the right moment to fantasize his body, you fool. Look around you! maktol niya sa isipan.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon