CHAPTER 11

2K 46 9
                                    

Privet! Ano na balita guys, nakatanggap na ba kayo ng relief goods galing kay Mayor? Chaar! 😂Haay sana maging okay na ang lahat ng ito, nakakatakot si COVID-19 panira ng life jusko. Sa totoo lang uwing-uwi na ako sa province namin. Stay safe po tayong lahat. 😘 ~DOLCE SVETA

                    ************************

KASALUKUYAN silang naka-check in sa isang sikat na Hotel sa parteng iyon ng siyudad hindi kalayuan mula sa Pub na pinanggalingan nila kanina. At dahil nga hindi niya alam kung saang lupalop nakatira si Anella minabuti na lamang ni Flynn na magpalipas ng magdamag doon kasama ang nalasing na dalaga. Ayaw naman niyang istorbohin si Mamita kaya siya na lang ang gumawa ng paraan.

"Here we go again... " helpless na naisatinig ni Flynn sabay ikot ng mga mata nang muli na namang magdrama ang babae sa ibabaw ng kama. Panay ang bangon nito na tila ba hindi ito mapakali sa kinahihigaan.

Umiiyak at paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ng dating nobyo at kung paano siya nito niloko. Naisip ni Flynn na mas lumala pa yata ang depression ng dalaga kapag nalalasing. Mas nangingibabaw dito ang sakit na nararamdaman kaysa humupa iyon kahit saglit man lang sana.

Nagmistula tuloy itong baliw at sirang plaka. Biglang hahagolhol ng iyak, pagkuwa'y tatawanan ang kasawian tapos tatanungin siya kung 'karapat-dapat' ba itong mahalin ng tapat o laruan lang talaga ang tingin sa kanya ng mga lalake.

"T-that jerk! H-hindi pa ba ako sapat sa kanya, sa ganda kong ito! Di hamak naman na mas maganda ako kay Frija, di ba?" kahit namimilipit na ang dila sa sobrang kalasingan pinipilit parin niyang magsalita upang ilabas ang saloobin sa binata.

"Alam mo nagtataka nga ako kung bakit ka pumatol sa kanya, sa ganda mong 'yan malamang hindi talaga siya nababagay sayo." matapat niyang sagot.

"I hate to think this way but, I have to admit it, they only fall for this face, mukha ko lang ang gusto nila pero ang mahalin ng totoo bilang ako ay hindi nila kailanman naipaparamdam sa'kin. At ang mas masakit pa, they only see me as a sex symbol not the other way around?" nanginginig ang boses niya sa katotohanang isiniwalat sa binata kasabay ng mga luhang walang patid sa pag-agos. "Sana naging katulad na lang kita, manhid at hindi basta-basta nagpapaalipin sa bugso ng damdamin. Pero di bale, makakahanap din ako ng mas nakakahigit sa kanila. At oras na mahanap ko na ang lalaking iyon, hindi ko na siya pakakawalan pa. I will force him to marry me, before his feelings change a bit." masiglang wika ni Anella na natatawa pa. Pinalis ang mga luhang naging sanhi ng kanyang kabiguan.

Napapantastikohan si Flynn sa huling sinabi ng dalaga na sinabayan din niya ng bungisngis. "Pa'no kung allergic din sa kasal ang lalaking iyon? What will you do to convince him?"

"I can handle that. Ipapa-realize ko lang naman kung ano 'yong mawawala sa kanya sakaling umurong siya sa inaalok kong kasal."

Amused na nag-isip si Flynn. "And how do you suppose to do that?" nakangiti niyang tanong. Interesado siya sa maaaring gawin ng babae sakali mang dumating ang araw na iyon.

Ngunit sa isang banda naisip din ni Flynn na sa oras na maghiwalay na ang kanilang mga landas ay mapuputol din ang koneksiyon nila sa isa't-isa kapag may naisip na silang solusyon upang matigil ang kanilang kasal.

Siya balik sa dati niyang buhay, and so is she. Everything about them will be back to normal. Kaya wala na siyang dahilan pa upang alamin ang kahihinatnan ng kani-kanilang mga buhay sa kasalukuyan.

BIGLANG napatayo ang dalaga kahit namimigat ang buong katawan. Tinalunton ang kinaroroonan ng life size mirror na nakadikit sa pader ng hotel room.

Hinayaan na lang niya ito kahit pasuray-suray ang lakad. Basta't nakasunod naman ang kanyang mga mata sa bawat kilos nito.

Forbidden Paradise #1: FLYNN CONSUNJI "Once There Was A Lust"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon