PROLOGUE

47.8K 1.6K 1.3K
                                    

SOUNDTRACK

YOU'RE BEAUTIFUL by James Blunt

ISANG MADUGONG RESCUE MISSION ang nangyari sa Quezon Province na halos hindi nalagpasan nang buhay ni Lucky

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISANG MADUGONG RESCUE MISSION ang nangyari sa Quezon Province na halos hindi nalagpasan nang buhay ni Lucky. Isa siyang batambatang tinyente na napasabak sa war zone. His bravery and bloodlust did nothing to save the lives of his men though.

Nalagasan siya ng mga magigiting na comrades dahil hindi nakarating ang backup platoon na hiningi niya sa base camp. Napag-alaman na lamang niya pagkatapos ng misyon na na-ambush ang backup nila habang papunta sa site ng kanilang operation.

Ang taong iniligtas nila mula sa mga kamay ng mga rebeldeng komunista ay ang bilyonaryong businessman na si Don Antonio DeLeste. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga mamamayan ng isang barangay sa Quezon ukol sa mining site na itinayo ng makapangyarihang pilantropo. Nakialam na ang mga rebelde sa isyu. Kinidnap nila ang isa sa pinakamaimpluwensiyang tao sa buong bansa.

Nailigtas nila si Antonio Deleste sampu ng kanyang piling-piling mga kasamahan sa Special Forces ng AFP. Ang presidente mismo ng bansa ang bumuo ng unit para mailigtas ang kaibigan nito.

Inihatid niya nang personal sa tahanan nito ang don. Ang gusto lamang niyang gawin pagkatapos ay mag-RNR -- umuwi, maligo at matulog nang buong araw. He badly needed food, sex and a vacation. In that order.

And then he saw her. One look at her lovely, brown eyes and he was lost. He knew he would never be the same again.

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon