14

35.4K 1.5K 1.5K
                                        

THIS CHAPTER IS DROPPING ANYTIME ON OCT. 24, USA TIME

KATE USUALLY had her yearly medical check up, but it was just routine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KATE USUALLY had her yearly medical check up, but it was just routine. She was healthy according to her last medical report. But this was a different kind of check-up. Her aunt suggested that since she started being sexually active, magpa-thorough exam na rin siya kay Doktora Alejandre. Tama naman ito kaya pumayag siya.

Tinanong siya ng butihing doktora tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kalusugan niya, kung may allergies siya, may history ng kung anu-anong sakit, ano ang menstrual cycle niya, kung may mga nararamdaman ba siyang mga kakaiba sa kanyang katawan ngayon, at kung sexually active ba siya. Medyo nahihiya siyang umamin doon sa sex part pero alam niyang importanteng malaman nito iyon kung ito ang magiging OB doctor niya mula ngayon. Sinagot niya ang lahat ng gusto nitong malaman.

She then underwent a breast exam, urine test and pap smear.

Pagkatapos ay matiyaga silang naghintay ng kanyang Tita Selena sa lobby ng modernong clinic na iyon. May mga mangilan-ngilang mga babaeng naroon, naghihintay rin marahil ng mga appointments ng mga ito.

Makalipas lang nang halos twenty minutes ay muli na silang tinawag ng assistant ni Doktora Alejandre para papasuking muli sa opisina nito.

Umupo siya sa silyang kaharap ng mesa nito. Sa sofa sa bandang likuran niya naupo ang Tita Selena niya. Hawak ng doktora ang isang papel at pinag-aaralan iyon, saka malapad ang ngiting hinarap siya. "Kate."

Nakangiti siyang naghintay. "I hope everything's okay with my tests, Doc."

"Oh, everything's fine with the results I have here. However, your pap smear result will come out after a week or two. Itatawag ko na lang sa 'yo kung available na. You can pick up the result or we can fax it to your office. Whatever you refer."

"Dadaanan ko na lang po rito pag nandiyan na."

"Good. Well, like I said, your other tests are all fine. You're quite healthy."

"Great! I'm relieved, Doc!"

"However, you wanted to get prescribed with birth control pills, but it's no longer necessary."

Napalis ang ngiti niya. "B-bakit po?"

Muluwang ang ngiti nito. "Congratulations! You're about three weeks pregnant!"

Natulala siya. Biglang nanghina ang buong katawan niya. Pakiramdam niya ay hihimatayin siya. Napalingon siya sa tita niya. Napatayo ito mula sa sofa at nilapitan siya, hinawakan sa balikat. "Are you sure, Bless?" tanong nito sa doktora.

"Yes, her urine test said it's positive. But I can provide you with a pregnancy kit so you can take another test at home."

Nagkatinginan silang magtiya. Oh my God, this is not happening! sigaw ng utak niya.

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon