JUST LIKE HE'D PROMISED, Lucky won the match for her.
And contrary to what Kate was expecting, mukhang nag-enjoy nang husto si Lucky sa pakikipagbidahan sa mga friends niya habang kumakain sila sa restaurant. Aliw na aliw ito habang nakikinig sa pag-aasaran ng tatlo.
Napansin din niyang mas binibigyan na nito ng atensiyon si Karen. Dati ay hantaran nitong nire-reject kapag inirereto niya si Karen dito. Ngayon ay mataman itong nakikinig kapag si Karen ang nagsasalita.
Pilit niyang nilalabanan ang negatibong nararamdaman. Hindi ba siya ang may gusto na maging laidback ulit si Lucky? Pwes, heto na, cool na cool ito. Hindi ito gumagawa ng paraan na mapagsolo silang dalawa at mag-demand ito ng panahon at atensiyon niya. Instead, he sought the company of her with her friends.
Dapat ay matuwa siya. Natutuwa naman siya, pero...Iba kasi noong hinahabol ito ni Karen pero hindi nito pinapansin. Ngayon ay pinapansin na nito si Karen. At iba na ang nararamdaman niya. Hindi lang siya naiinis. May nararamdaman na siyang...insecurity. Iyong parang may naaagaw sa kanya. Marahil ay atensiyon. Hindi siya sanay na nahahati ang atensiyon ni Lucky sa kanya. Ngayon ay halos hindi sila magkapalitan ng salita o tingin. Nasa mga kaibigan niya ang lahat ang atensiyon nito.
Kaya naman nang pauwi na sila, nagyabang na si Karen.
"O ha, huwag niyong sabihing nag-iilusyon lang ako ngayon. Nakita niyo with your own eyes, Lucky was so sweet and attentive to me."
Umismid si Nessa. "Medyo lang. Hindi pa ako convinced. Sweet at attentive din siya sa akin, eh."
"Sa akin din," si Lara. "He was laughing at my jokes the entire time."
Sabay na tumingin ang mga ito sa kanya.
"Ano sa tingin mo, Kate? Maniniwala na ba kami na may basis na ang pag-iilusyon ng isa diyan?" si Lara.
"Bakit ako ang tinatanong niyo?" iwas niya.
"Eh, kasi ikaw ang BFF ni Lucky, siyempre mas alam mo ang body language niya," sabi ni Nessa.
"Uhm...I don't know..."
"Girl, bigyan mo naman ng konting hope si Anna Karenina na makatuluyan si Alexie Vronsky niya at baka magpasagasa na 'yan sa MRT," natatawang kantiyaw ni Nessa.
"I don't ride the MRT," si Karen.
"At sineryoso talaga ang figure of speech. O siya, since feeling New Yorker ka, subway na lang na mabantot."
Naghihintay ang mga ito sa komento niya.
Kate wanted to choose her words, but she ran her mouth. "I don't know. Maybe... All I know is hindi siya sweet sa akin kanina. Super bland nga siya sa akin. Sa inyo lang siya sweet." Nagkibit-balikat siya. "Okay lang. Bahala siya. So, Karenina..." Pinilit niyang ngumiti kay Karen pero hindi niya mapeke ang nararamdaman. "Huwag kang magpasagasa sa train, ha? Lalaki lang 'yan. No man is worth your precious life."
BINABASA MO ANG
LUIS IÑAKI DE ANGELO
Romance***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have. KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...