PAGDATING SA BAHAY NILA, inalalayan siya ni Aris pababa ng sasakyan. Hinang-hina ang pakiramdam ni Kate.
"Kate, sigurado kang kaya mo? I'm sorry sa nangyari kanina. Hindi ko alam na pupunta siya roon."
"Aris, hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. You've been nothing but kind and generous. Thank you for tonight"
"Thank you, Kate. I'll call you tomorrow. Magpahinga ka na, ha?" He kissed her gently on the cheek.
Pinilit niyang ngumiti. "Salamat, Aris."
Nang makaalis ito ay matamlay siyang pumasok sa kanilang mansiyon. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang kanyang balat. She felt so brittle she might fall to pieces on the floor any moment.
Sinalubong siya ng kanyang Mommy sa sala. "O, hija, akala ko'y mamaya ka pa darating?"
Napakapit siya sa isang armchair. "Mom..." Nasapo niya ang noo. Pakiramdam niya ay umiikot ang paligid.
"Kate? Are you okay?"
Wala na siyang narinig. Nanlabo ang lahat at tuluyang naglaho sa kanyang paningin.
HABANG NAKIKIPAG-AREGLO sa manager ng restaurant, nakatanggap ng tawag si DL.
"Mom? What's wrong?...What happened?!"
Natigilan si Lucky at nakiramdam kay DL sa kanyang tabi. Nabalisa ito sa natanggap na balita mula sa ina nito. Kinabahan din siyang 'di niya mawari.
"Okay, Mom, I'll be right there. I'm leaving now. Calm down. We'll get the doctor. Don't worry. Let me talk to Tita Sel."
Kinakabahang naghintay si Lucky habang kausap naman ni DL si Selena.
DL cut the call, looking shaken now, a stark contrast to his livid countenance a while back.
"Bakit daw, bro?" tanong niya.
"Si Kate. Nag-collapse. Nasa bahay na siya."
Ganoon na lang ang bundol ng kaba sa dibdib niya. "Ano raw ang nangyari?"
"They don't know yet. We need to fetch a doctor."
"What? Why? Why don't they just bring her straight to the hospital?"
"I don't know. Tita Selena insisted we fetch her doctor friend."
"Let's go!"
Nagpaalam sila sa manager na babalik na lamang sila dahil may emergency. At dahil valued customers sila sa hotel na iyon, nakaunawa naman ito.
HINDI MAPALAGAY na naghihintay si Lucky sa labas ng silid ni Kate. Kanina pa siya palakad-lakad sa kahabaan ng karpetadong hallway, aburidong sinusuklay ng mga daliri ang buhok.
BINABASA MO ANG
LUIS IÑAKI DE ANGELO
عاطفية***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have. KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...