SOUNDTRACK
BETTER IN TIME by Leona Lewis
"NAPAPANSIN KONG NAPAKATAKAW MO NGAYON."
Huminto sa pagnguya si Kate, tumingin kay Lucky na nakaupo sa tabi niya. Nangingiti ito habang pinagmamasdan siya. Simisimsim ito ng merlot samantalang siya ay tubig lang, pero nakadalawang balik na siya sa buffet table.
Nagpatuloy siya sa pagkain at hindi ito pinansin. Nasa villa sila ng kanyang Tita Selena para suportahan ang fundraiser nito. Si Lucky ay isa sa mga primerang benefactors ng naturang foundation.
"Dati masyado kang conscious tumaba," panunukso nito.
"Katawan ko ito. Kakainin ko kung ano ang gusto ko," malamig niyang sagot.
Ang totoo ay ayaw niyang dumalo sa party na ito pero nahiya lang siya sa tiyahin. As usual, si Lucky ang sumundo sa kanya dahil dadalo rin ito at palagi naman silang magkasamang dumalo sa mga ganitong pagtitipon. But she didn't want to go with him. She wanted to go alone, or not at all. But her parents were there, urging her to go with Lucky dahil hindi makakadalo ang mga ito. Masama ang pakiramdam ng kanyang Mommy.
"I'm not complaining, babe," malumanay na sabi nito. "Mas gusto ko nga. You're starting to look like a pin-up girl."
Ibinaba niya ang mga hawak na kutsara at tinidor. Nagpahid siya ng bibig at tumayo. His sexual innuendo really rubbed her the wrong way. Parang kelan lang ay hindi niya makontrol ang pangangailangang seksuwal sa tuwing magkasama sila. Now she couldn't stand his presence.
For two weeks now, they hadn't been intimate. She was glad he didn't initiate it because she would be rejecting him for real. She hurt inside and out, and he was triggering it all. No room for sex in her current mental and emotional state.
Hinawakan nito ang kamay niya. "Babe, nagbibiro lang naman ako. Sorry na."
Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. "Don't patronize me."
Biglang lumapit sa table nila ang kanyang Tita Selena. Napilitan siyang pasayahin ang mukha. Ayaw niyang maging KJ sa party nito.
"Tita, the party is fabulous, as always."
"Siyempre, gusto kong maka-raise nang mas malaking halaga ngayon kaysa last year. And thanks to Lucky for having one of the restaurants in his hotel cater to the food for free." Nginitian nito nang matamis si Lucky.
Ngumiti rin si Lucky. "Of course, I will always support your charities, Tita. Next time, if you want a bigger venue, use one of the ballrooms in my hotel. Sagot ko na 'yon."
"Really?! Oh my God, thank you, hijo! You're too kind!"
Nayakap ito ni Selena sa tuwa. "Ang bait-bait mo talaga, hijo. 'Di ba Kate? Isn't he looking extra-hot in that suit?"
BINABASA MO ANG
LUIS IÑAKI DE ANGELO
Romance***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have. KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...