***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have.
KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
LOTHARIO
Inabutan ni Lucky na nakaupo sa grand salon ng Lothario si Alexis, nagbabasa. Himalang libro ang kasama nito ngayon at hindi babae.
"O, akala ko ba ay igi-give up mo na ang membership mo?" tanong nito.
Pabagsak siyang naupo sa sofa na kaharap nito. "Ngayon lang, bro." Nahahapong isinandal niya ang likod at ulo sa backrest, pumikit. "Inom tayo."
Nang hindi umimik si Alexis ay idinilat niya ang mga mata. Nakatitig ito sa kanya nang nang-aarok. "Trouble in paradise?"
"Paradise..." aniyang natawa nang may pait. "Wala, inom tayo. Pahatid ka ng Black Label, please."
"May laro bukas. Maglalaro ka ba?"
"Yeap."
"Pag uminom ka, mawawala ka sa kondisyon."
Tumawa siya. "Ano ka, nanay ko? Ayaw mo no'n, kayo ang mag-champion?"
"Ayokong mag-champion by default."
Sinenyasan niya ang isang waiter ng club na paikot-ikot sa grand salon, may dalang mga kopita ng inumin na nakapatong sa hawak nitong tray. Agad namang lumapit ito sa kanila.
"Pakidalhan kami ng dalawang bote ng Black Label."
"Yes, sir." Agad na tumalima ang waiter. He leaned back against the sofa again.
Napailing si Alexis. "I have time if you wanna spit some bile."
Hindi siya umimik at muling pumikit. He didn't have the energy to talk.
Maya-maya'y narinig niyang may lumapit sa kanila.
"Napa'no 'yan?" Boses ni Blue.
"Inuman daw," si Alexis. "Humingi na ng Black."
Someone sat beside him. "I could use a few shots." Boses ni Marco.
Narito yata ang buong team ni X. Bigla siyang dumilat, inilibot ang mga mata sa kalawakan ng grand salon.
"Wala siya rito, hindi darating. Bukas na kami magkikita sa Polo Club," sabi naman ni Alexis na parang nabasa ang iniisip niya.
"Ano'ng problema, bro?" tanong ni Blue na bahagyang tinapik ang hita niya.
"Wala. Walang problema. Bakit sabay kayong nandito? Nagmi-meeting ba kayo para sa laro bukas?" balik-tanong niya kay Blue.
"Oo naman. Bakit ka nandito? Magkikita rin ba kayo nina Jonty?"
Umiling siya. "Tapos na kami kanina."
"So, nagpunta ka rito para maglasing?"
"Hindi naman, I just wanna relax. Tutulungan ninyo akong ubusin 'yong dalawang botelya."