***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have.
KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...
THIS CHAPTER IS DROPPING ANYTIME ON OCT. 20, SUNDAY, USA TIME.
READ ABOVE AGAIN.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"ANG GALING nitong design mo, Aris! I'm so impressed! Kuhang-kuha mo ang sophistication na gusto kong mai-project ng shop ko."
Katatapos lang ng design presentation ni Aris, and she was very satisfied with the scheme. She was going thrice the size of her first boutique for this second branch. Magdaragdag na kasi siya ng brands na ibebenta niya.
"Thanks, Kate. I'm glad you like it," flattered namang sabi ni Aris. Nasa conference room sila ng opisina nito. "What do you think, Luck?" baling nito kay Lucky na nakikinig lang sa kanila habang umiinom ng kape.
"Kung nagustuhan na ni Kate ay okay na sa akin," malamig na sagot nito.
Sinulyapan niya si Lucky. Despite conceding about hiring Aris for this project, alam niyang hindi bukal sa loob nito ang desisyon niyang 'yon. Hindi na lamang niya ito pinansin.
"Napagdesisyunan na ba ninyo kung saan natin itatayo ito?" tanong ni Aris.
"We're still considering three locations. Either sa Glorietta, Bonifacio High Street o sa Town. Hayaan mo, I'll let you know in the next few days."
Malapad ang ngiti nito. "Okay."
Hindi niya napigil na sitahin si Lucky nang makaalis na sila sa opisina ni Aris lulan ng Lexus SUV nito na ito mismo ang nagmamaneho. Nakabuntot sa likuran nila ang bodyguard nito. "Sana'y nagpakita ka man lang ng enthusiasm kay Aris kanina. He did a very good job."
"Your enthusiasm was enough for the both of us," matabang na sagot nito.
She bristled. "What is wrong with you? This is business, Luck. Walang personalan dito. Do you have anything against Aris?"
"Sophie was equally good," kibit-balikat na sabi nito.
Lalo siyang nainis dito. "I'm not familiar with her work. Mas komportable ako kay Aris. Besides, we're friends."
"Really? Since when?" Sarkastiko ang tono nito.
Nagpanting na ang mga tainga niya. "Teka nga muna. Kung may ayaw ka sa mga ginagawa ko, sabihin mo lang habang maaga pa! Pwede ko pang ibalik ang pera mo nang buong-buo!"
Tinapakan nito ang preno at itinabi ang sasakyan sa gilid ng daan at saka galit na binalingan siya. "Ang hindi ko gusto ay ang gamitin mo si Aris para asarin ako! You've been flirting with him every chance you've got. What are you trying to prove, Kate?"
"What?! How presumptuous of you! I do not flirt with anyone! And if I do,ikaw rin naman, ah! And frankly, I don't give a damn whoever you're with!" she shot back heatedly. She was half-lying though. The thought of Lucky with another woman bothered her now. Really bothered her if she'd be more honest with herself. But he didn't have to know that. Lalo lang itong magmamalaki sa kanya.