***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have.
KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SHE PICKED UP HER clutch purse from the table. "Sa labas na lang tayo kumain."
Nauna na itong lumabas ng pinto. Para siyang tuta na sumunod dito. She was leaving her scent in the air as they took the hallway going to the back exit. Pasimple na lang niyang nilanghap iyon. Gusto sana niya itong yakapin nang mas matagal, but she was jumpy and skittish. Ayaw niyang ma-threaten ito sa kanya.
Tangina...
How did he come to this?
It took some herculean effort not to touch her again. Dalawang linggo niya itong hindi nakita. Halos mabaliw na siya sa pangungulila rito. Tiniis niya iyon, kahit gusto na niyang pasukin ang kuwarto nito, gibain ang naka-lock na pinto niyon. Kung hindi lang ito nakatira sa bahay ng mga magulang nito...
He was going mad missing her.
Nagulat at natuwa siya nang malaman mula sa Mommy nito na pumasok ng trabaho si Kate ngayong araw. Nasa Subic siya kanina nang tawagan niya si Doña Beatrice para kumustahin si Kate. Kung hindi lang masyadong importante iyong meeting niya kanina, lumipad na siya pabalik ng Manila agad-agad, pero natali siya sa pag-estima sa mga bisita niyang mga Arabo na malalaking invertsors sa expansion ng kanyang hotel sa Subic. Nang makawala siya, gabi na. Nagpa-pickup siya kay Jett sa chopper para mabilis na makabalik sa Manila. He just took a quick shower and changed into casual clothes. He wanted to look good for her.
Sabik na sabik siyang makitang muli si Kate.
But she greeted him with hostility. Iyong inaasahan niyang matamis na ngiti nito sa tuwing darating siya, hindi niya nakita. She was shocked to see him, and then she clammed up like he was the enemy.
Hindi nito alam kung gaano kasakit iyon sa kanya. Kung kelan may nangyari sa kanila na siya sanang maglalapit lalo sa kanila, baliktad ang nangyayari. Pero nagtitimpi pa rin siya. Si Kate lang ang taong nakakasubok sa haba ng pasensiya niya. Hindi siya ganito kabait. In fact, his rivals in the business knew him as ruthless and calculated. But Kate was not a business. She was the love of his life. She was the exception to the rule.
"We'll use my car," aniya rito nang makalabas sila sa backdoor ng boutique. Naghihintay na roon ang bodyguard at driver nitong si Jojo.
"Pwedeng magkita na lang tayo sa restaurant?"
"No. We'll use my car," mariin niyang sabi. "Don't argue with me on this."
Nakipagtagisan pa ito ng titig sa kanya bago bumuntong-hininga at napipilitang maglakad patungo sa nakaparadang Mercedes Maybach niya. Napailing siya. Simpleng mga bagay na lang ang pinagsisimulan ng pagtatalo nila. She was so combative.
He assisted her inside the sedan. Maya-maya pa'y nasa daan na sila. Pinindot niya ang isang button. Sumara ang glass partition na naghihiwalay sa kanila sa kanyang driver at isang bodyguard sa front seats, giving them complete privacy.