SOUNDTRACK
I BELIEVE by Christina Perri
"HOY, KATRINA, what's with you lately, girl? Palagi ka na lang nakatulala riyan."
Wala sa loob na nilingon ni Kate si Karen. Nagkita-kita silang magbabarkada sa condo ni Nessa. Naghanda ito ng dinner para sa kanila. Katatapos lang nilang kumain at nagpapahangin sila sa balkonahe ng condo. Umiinom ng wine ang mga kaibigan niya samantalang tubig lang ang sa kanya.
"Sorry, medyo pagod lang ako lately. Maraming trabaho," pagdadahilan niya.
"Are you sure? You know we're just here if you need to talk about anything," worried ding sabi ni Nessa.
Ngumiti siya. "I'm okay. Don't worry too much about me."
Nagsindi ng sigarilyo si Lara.
"Please, don't smoke," pakiusap niya rito.
Nagtaka si Lara. "Why? Dati naman akong naninigarilyo sa harap n'yo ah. Saka ngayon lang naman ito after like a week. I'm trying to cut down my consumption."
"Are you sure you're okay, Kate?" muling tanong ni Karen. "Hey, Lara, patayin mo nga muna 'yan."
Nagkibit-balikat na sumunod naman ito, idinutdot sa ashtray ang hawak na yosi.
Nakatingin sa kanya ang mga kaibigan, nag-aalala ang mga mukha.
"I said I'm fine. Really."
"Hindi eh. May dinaramdam ka," si Nessa.
"I saw Nico the other day, sa isang product launching ng SGC. Client sila ng company namin. Nakasalubong ko siya, so I said hi," pasimpleng sabi ni Lara.
"Hindi 'yon, shunga!" sansala ni Nessa rito. "Teka, you said hi to him? Traydora ka. Dapat dinedma mo. O kaya'y sinipa sa balls!"
"Hush, you two," pananaway ni Karen sa dalawa.
"She has no know, Kary," depensa naman ni Lara sa sarili. "Malay mo, makasalubong din niya 'yong tao. Maliit lang naman ang Makati. Mabuti na 'yong handa siya."
"Aw, shut up!" angil na ni Karen dito.
"Hey!" protesta ni Lara. "May masama ba sa sinabi ko? I also care about Kate's feelings. Mas practical lang ang approach ko kaysa inyo. Mas realistic."
"Guys, guys..." Itinaas niya ang kamay. "It's okay. Hindi ako mahinang klase ng tao na guguho ang mundo kapag nagkasalubong kami ng ex ko. It's inevitable. I'll be okay. Really. No worries."
"Ang laki ng ipinayat ni Nico, guys. Parang sobrang depressed," dugtong pa ni Lara.
Karen rolled her eyes. "Sana ma-dead na siya, hayop siya."
"Uy, huwag, kawawa naman," si Lara. "Baka sising-sisi na 'yon na hindi natuloy ang kasal ninyo, Kate."
"Dapat lang na magsisi siya habambuhay. Pinakawalan niya si Kate. Ang tanga lang. Super great catch kaya ng BFF natin," sabi naman ni Nessa.
BINABASA MO ANG
LUIS IÑAKI DE ANGELO
عاطفية***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have. KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...