***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have.
KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAGDATING NI KATE sa boutique niya kinabukasan ay puno ulit ng mga bulaklak ang kanyang opisina. Magkakahalong carnations, lilies, tulips and peonies ang naroon. Excited niyang tiningnan ang tarhetang nakasabit sa isang pumpon. He wrote the most beautiful note.
All I want is to see you smile every day, my angel. Yours, L.
Napangiti siya at hinalikan ang isang carnation. She texted Lucky. "You have made me smile 2day, as u always have in the past. Tnx.
She sighed and sat behind her desk. Tumitig siya sa mga folders na nasa ibabaw ng kanyang mesa. Hindi niya alam kung ano ang sisimulang gawin. Parang lumulutang ang utak niya, ayaw mag-function gayong napakarami niyang dapat gawin at tapusin. She was thinking about him. Always. Every day, every minute.
Tumunog ang cellphone niya. What's with him? Hindi niya alam kung may ESP siya at tumatawag si Lucky sa tuwing iniisip niya ito. He spooked her sometimes.
"Hello."
"Hey, how's your morning, angel?"
"Fine. Thank for the flowers. They're lovely."
"You're welcome. Narito ako sa Subic, pero susunduin kita mamayang hapon."
"Ano ba'ng meron at bigla kang nag-host ng party?"
May dinner party ang buong angkan ng mga Deleste sa Hotel de Angelo mamayang gabi. Magti-treat si Lucky out of the blue. Natural, dadalo ang lahat ng mga kaanak niya dahil si Lucky ang nag-imbita. They all loved him, plus they loved the food at his hotel.
"Wala, masaya lang ako. Saka matagal-tagal na ring hindi ako nakapag-treat sa family mo. Palagi na lang ako ang invited sa mga parties ninyo."
"Sige, see you later."
"Bye, babe."
"Bye."
ANO 'TO LUCK?
"Open it."
Napatitig siya sa ibinigay nitong may kalakihang square, velvet box na kulay celadon green. Tiffany and Co., her favorite jewelry store.
Binuksan niya iyon. Kahit sinong babae ang makatanggap niyon ay mapapahigit ng hininga. Laman ng box ang isang set ng kwintas, singsing at mga hikaw na yari sa sapphire at diamonds. Platinum gold ang nagdurugtong sa mga bato. Malaki ang bato ng singsing, isang square-cut na sapphire na napapaligiran ng mga mumunting diamonds, ganoon din ang pendant ng kwintas, at pinakasentro ng mga hikaw.
Marami siyang mga alahas kaya alam niya paano kumilatis niyon. Nalula siya sa maaaring halaga ng laman ng kahon. Hindi biro 'yon, alam niya.
"Luck..." Nababaghang napatingin siya rito.
"You like them?" He was looking at her tenderly, his eyes, expectant.