23

20.2K 1.1K 1.2K
                                    

SOUNDTRACK

BEHIND THESE HAZEL EYES by Kelly Clarkson

BEHIND THESE HAZEL EYES by Kelly Clarkson

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HIJA, NARIYAN SI LUCKY."

Sinulyapan ni Kate ang alarm clock sa side table. Pasado alas-dose na nang hatinggabi. Bumangon siya mula sa kama. "Bakit daw, Mom?"

"Hindi sinabi, pero mukhang balisang-balisa. May problema yata. Puntahan mo siya sa ibaba, kawawa naman."

"Sige, Mom. Ako na ang bahala. Matulog na ho kayo."

"Okay. Goodnight, hija."

Sa pool side niya natagpuan si Lucky, nakapamulsa ang mga kamay na nakatitig sa kalmanteng tubig ng swimming pool na naiilawan mula sa ilalim. Lumingon ito nang maramdamang naroon na siya.

"I'm sorry, natutulog ka na ba?"

Umupo siya sa isang wrought iron chair. "Bakit ka nandito, Luck? Gabing-gabi na."

Umupo ito sa kaharap niyang silya. "Hindi ako makatulog. Iniisip ko ang pinag-usapan natin kanina tungkol kay Nico. We need to talk about it, babe."

Ilang oras din siyang nag-isip. Hindi niya maintindihan bakit nito nagawang magsinungaling sa kanya. All this time, hindi pala ito honest sa kanya, at sa napakaimportanteng bagay pa naman sa buhay niya. She felt utterly betrayed by him.

Pero pagod na siyang magalit. Naubos na yata ang galit niya kay Nico. Wala na siyang lakas na magalit pa kay Lucky. Ang nararamdaman na lamang niya ay kawalan. Namanhid na yata ng puso niya. Maghapon lang siyang nakatitig sa kisame, pero halos wala ng pumatak na luha sa mga mata niya.

"Wala ka ng dapat ipaliwanag sa akin. It was his choice, and it was yours, too. Wala na akong magagawa pa." Walang buhay ang boses niya. She felt dead inside.

"Meron, Kate. Marami akong dapat ipaliwanag sa 'yo. May ipagtatapat ako sa 'yo."

Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito, hinintay ang kung ano mang sasabihin nito. Mas may sasakit pa ba sa nalaman niya kanina?

Ginagap nito ang mga kamay niya. "Totoong matagal ko ng alam na member ng Lothario si Nico. Sabay kaming naging members. Yes, he had sexual activities with the women there. We both did. Even DL knew about this."

Parang napasong hinila niya ang mga kamay mula sa pagkakahawak nito.

"Kate, makinig ka muna sa akin. Please?" May pagsusumamo sa mga mata at tinig nito.

Hindi siya nagsalita, hinayaan lang itong magsalita.

"Totoong hindi ko siya pinakialaman. Bilang lalaki, kahit papaano'y naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Wala kayong sexual intimacy, and he had needs as a man. Pero alam kong pangangailangan lang 'yon ng katawan. Hindi naman siya emotionally involved sa mga babaing 'yon. Ikaw pa rin naman ang pinapahalagahan niya, ang gusto niyang pakasalan. I was sure of that then. And he was discreet about this then. I was sure of that, too. Nitong mga huli lang naman siya hindi na nag-ingat."

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon