17

23.1K 1.1K 1.1K
                                    

SOUNDTRACK

LOVE BITES by Def Leppard

THE SIGHT OF FRESH FLOWERS on her office table that morning perked up her mood

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE SIGHT OF FRESH FLOWERS on her office table that morning perked up her mood. Lumapit si Kate sa mesa niya at inabot ang tarheta na nakasiksik sa mga pumpon ng mga light pink carnations, ang paborito niyang bulaklak. Napapangiti siya habang binabasa iyon. Ang nagpadala mismo ang sumulat ng note sa sarili nitong handwriting.

"You see beauty in these flowers, but you have no idea what I see in you. Far beyond beauty."

Pinirmahan nito ng letrang L lang ang maiksing note. Ibig sabihin niyo'y hindi basta itinawag sa flower shop ang delivery ng mga bulaklak. Ito mismo ang nagpunta sa flower shop at umorder ng bulaklak.

Bumili na yata ng sariling flower shop nito si Lucky at halos every other day itong nagpapadala ng bulaklak sa kanya, kung hindi man sa office niya, sa bahay nila. On other days, he'd send her food, mga pagkaing galing sa iba't ibang mga restaurants na malimit nilang kinakainan noon. But he'd never sent her chocolates and sweets. Hindi kasi siya mahilig niyon.

Nag-text siya kay Lucky. "Thanks for the flowers. They are beautiful. My office will look like a flower shop soon. Stop sending na."

Agad namang sumagot ito. Maiksi lang. "Never."

She smiled and gently touched the delicate petals of the carnations. Sa Beguet lang yata mayroong major carnation plantations kaya hindi palaging may supply niyon sa Manila. Si Lucky lang ang nakakaalam na carnations ang pinakapaborito niyang bulaklak. Nico had always sent her roses during the traditional occasions. Even her family and friends would send her all kinds of flowers. She didn't like roses much, and yet she didn't even tell Nico that for fear of offending him. She'd gushed and sent him messages teeming with gratitude and appreciation all those years.

Napailing siya sa naisip. Sa simpleng bulaklak lang pala ay hindi niya nagawang magpakatotoo kay Nico noon. Maliit na bagay 'yon kung tutuusin, pero pag naipon na, malaking bagay pala. No wonder na hindi rin ito nagpakatotoo sa kanya.

The past two weeks had been really easy and comfortable between her and Lucky. Katulad ng ipinangako nito, he totally backed off from his domineering ways. Hindi na ito demanding, hindi na palaging tumatawag o nagti-text anytime of the day.

Medyo naninibago nga rin siya sa iginagawi nito. Noong magbest-friends sila, alam na alam niya ang lahat ng activities nito dahil siya naman ang malimit na mangulit dito. Pero hindi na niya ginagawa iyon ngayon, and he'd stopped volunteering information about his daily activities, too. Kung tatawag man ito sa kanya, siguradong may importanteng sadya ito sa kanya, o kaya'y may lakad silang may kinalaman sa negosyo.

Kahit papaano ay mas gamaan na ang pakiramdam niya paggising sa umaga, hindi na parang binagsakan ng buong mundo ang mga balikat niya sa sobrang stress. Sumasama na rin kasi ang pakiramdam niya sa umaga at malimit siyang nagduduwal, halos walang maipasok na almusal sa tiyan. Alam niyang sintomas na iyon ng pagbubuntis niya kaya ingat na ingat siyang huwag makahalata ang mga magulang at mga kasambahay nila.

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon