26

27K 1.4K 2.7K
                                    

SABADO, eksaktong alas-siyete nang gabi nang sunduin siya ni Aris

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SABADO, eksaktong alas-siyete nang gabi nang sunduin siya ni Aris.

"You look beautiful, Kate," parang namamalikmatang sabi nito, puno ng paghangang nakatingin sa kanya.

Ngumiti siya. "Thank you, Aris."

"Shall we?" anito at ini-offer ang bisig.

Kumapit siya rito at naglakad sila papunta sa sasakyan nito.

"I'm driving, so...Is it okay if you sit out front with me?"

Natawa siya. "Oo naman. Ayaw naman kitang magmukhang driver ko."

Natawa rin ito. "Nasanay kasi ako sa States. Meron naman akong driver, pero nagpaalam na dadalawin ang pamilya niya sa province nila." Binuksan nito ang passenger door sa bandang unahan ng Lexus SUV nito. She got into the vehicle.

Ilang minuto pa'y nasa daan na sila. "Where are we having dinner?"

"I have a reservation at the Empress Hotel."

Tumango lang siya.

Moderate lang ang traffic dahil weekend. Nagkwentuhan sila ni Aris habang nagmamaneho ito. He was a careful driver. Minamatyagan niya ang mga kilos nito. Napaka-gentleman nito, malumanay ang boses, humble, at napakatalino. Nalaman niyang graduate ito ng prestishiyosong National University of Singapore. Galing ito sa pamilya ng mga magagaling na arkitekto at nasa construction business ang halos buong angkan nito.

He was very good-looking too. He would be a woman's prize catch one day. At obvious na siya ay gusto ring masilo ni Aris. Hindi naman siya manhid.

Since she got engaged to Nico at a very young age, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makakilala pa ng ibang mga lalaki. Naitanim sa utak niya na siya ay magiging ulirang girlfriend, fiancee at maybahay ni Nico sa takdang panahon. In that order. She'd never dated anybody except Nico. The only man she was permitted to go out with was Lucky. Parang kapamilya kasi ang turing ng mga Deleste rito. Malaki ang tiwala ng pamilya niya kay Lucky na iingatan siya nito. Those were all friendly dates anyway, until their friendship suddenly transformed. So, they basically dated by default, pero sila lang naman ang nakakaalam niyon at ang Tita Selena niya.

Ngayon lang siya lalabas sa isang totoong date. Iyong date na pinili at plinano niya. Bakit hindi? Hindi lang si Nico ang lalaki sa mundo, at lalong hindi lang si Lucky. She liked Aris very much. His inherent kindness inspired instant trust. Magaan ang loob niya rito.

Hindi ito mahirap mahalin. If only she would open her heart to the other possibilities in her life. Ayaw niyang isiping dahil nabuntis siya nang wala sa plano ay wala na siyang choices sa buhay. Iyong kasabihang kung saan nadapa, doon babangon? Kalokohan 'yon. Hindi na niya igagapos pang muli ang sarili sa mga makalumang pananaw sa buhay.

She was of age now and she was earning her own money. She had a lot of choices. Kaya na niyang suportahan ang sarili niya. A partial percentage of her inheritance was legitimately put in her name when she turned 21. She could buy her own house if she wanted to, anywhere she wanted. But she chose to stay in her parents' mansion. Hindi pa kasi handa ang mga magulang na pakawalan siya. Although they were lax with DL who was mostly out of the country because of his racing career, she was the princess who stayed in the palace.

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon