***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have.
KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HABANG NAMIMILI SIYA NG DAMIT para kay Kate sa boutique nito, hindi mapalagay si Lucky. Kanina sa banyo, umiyak si Kate. Ramdam niya ang paghihirap ng loob nito na pilit nitong itinatago sa kanya. She was silently crying against his chest. Akala ba nito ay hindi niya alam? Naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito, na parang hirap na hirap ito. And in that moment, he felt so guilty.
Parang pinipiga ang dibdib niya habang yakap niya ito, nasasaktan siya na nasasaktan ito. Sobrang nalulungkot siya na hindi na ito nag-o-open up sa kanya kahit naroon naman siya, nakayakap dito. Dati ay siya ang iniiyakan nito, ang sumbungan nito, ang confidante nito. Ngayon, hindi na.
At na-realize niya nang mga sandaling iyon kung bakit. Paano itong mag-open up, eh kakatapos lang nilang mag-sex, isang bagay na aaminin niya sa sariling ginagamit niya para i-assert ang sarili niya rito. Sa sobrang takot niyang mawala ito sa kanya, ginagamit niya ang sex para mapasunod ito sa gusto niya. It was Machiavellian. Ganoon siya sa negosyo, sa mga bagay na gusto niyang mapasakanya. He could be really ruthless and driven.
Pero hindi negosyo si Kate. She was the woman he loved. And she was falling apart, pero ano ang ginagawa niya? Mas pinapairal niya ang nasaktang ego niya kasya pagmamahal niya rito. He was competing with Nico, the person who left her for another woman. God, he was such an idiot! Bakit siya nagpapatalo sa insecurity niya sa gagong 'yon?
Siya lang naman ang nag-iisang lalaking nakatalik ni Kate at napakaswerte niya na pagdating sa bagay na 'yon ay bumibigay ito sa kanya. He had the advantage of experience, and she might just like him more than she was willing to admit right now. Bakit hindi? Siya ang best friend nito. Of course, she liked him. She loved him! Maybe as her best friend still, at masakit mang tanggapin iyon, hindi naman natuturuang magmahal kaagad ng iba ang puso. May proseso ang mga bagay-bagay. Masyado lang siyang adelantado. Nagmamadali siya. Natakot siya.
Yes, he became obsessed with possessing her completely. Nagatungan pa siya nina Selena at Alexis, ayun napraning siya. He knew they meant well, but he was the one who knew Kate more than anybody else. He should have known better. She was still very confused and hurting, and here he was, using her own weaknesses against her for his own selfish ends. Hindi niya namamalayang nakadagdag na siya sa mga sama nang loob nito.
Hiyang-hiya siya sa sarili nang mga sandaling iyon. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Gusto niyang maiyak sa sobrang guilt. Napigil lang niya ang sarili dahil may mga customers sa boutique at nakaalalay sa kanya si Aina.
Kate...I'm so sorry, angel. I'm so sorry.
Nang muli siyang pumasok sa opisina ni Kate, ipinangako niya sa sariling babawi siya rito. If it was only his friendship she wanted now, then he would give it to her unconditionally. Kahit wala munang sex.