3

23.7K 1.5K 2.9K
                                        

PLAY SOUNDTRACK

WALA SA LOOB NA NAKAMASID si Lucky sa nagaganap sa kanyang casino na kita mula sa one-way glass windows ng mezzanine office niya sa 28th floor ng Hotel de Angelo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WALA SA LOOB NA NAKAMASID si Lucky sa nagaganap sa kanyang casino na kita mula sa one-way glass windows ng mezzanine office niya sa 28th floor ng Hotel de Angelo. Ang naturang hotel ang flagship ng kanyang chain of five-star hotels na nagkalat sa mga key cities ng bansa at sa ilang parte ng Asia.

He felt anxious. Kanina pa siya hindi mapakali. Ngayong araw ay malalaman niya ang totoo tungkol kay Nico. Pero parang ayaw naman niyang malaman.

He'd always been decisive. Siya iyong tipong pag may problema, gusto niyang aksiyonan agad. Pero pagdating sa bagay na ito, pakiramdam niya'y nasa isang crossroad siya. Hindi niya alam paano tumawid o kung saan siya pupunta.

Sa wakas ay tumunog ang buzzer sa pinto ng kanyang office. Naka-code ang tunog ng buzzer base sa fingerprint ng nasa labas ng pinto. Ilang tao lang ang pwedeng pumasok sa opisina niya sa casino. Kilala niya kung sino ang nasa labas kahit hindi niya silipin sa security camera. Dinampot niya ang remote control at itinutok sa pinto, sabay pindot sa isang button. Iniluwa ng pinto si Jett.

May iniutos siya kay Jett nitong mga nakaraang araw. Inistorbo niya ito sa trabaho, pero hindi na kasi niya pwedeng i-delay pa ang bagay  na 'yon. Time was running out on him.

Si Jett talaga ng nangunguna sa lahat ng operasyon ng SU. Hands-on ito sa lahat ng mga maseselang misyon ng kanilang security agency. He founded the agency dahil hindi pa rin niya lubos na maiwanan ang pagiging militar, pero napakarami na niyang pinagkakaabalahang mga negosyo kung kaya't si Jett na ang pinamahala niya sa SU. He mainly served as a consultant and financier.

Jett really enjoyed the job pero minsan parang may death wish ito na hindi niya mawari. He defied danger, even courted it. Wala itong takot na sumuong sa mga napakadelikadong mga misyon. Lahat ng mga agents ng SU ay trained sa mortal combat at military strategies sa iba't ibang bansa. Their operation was not only in Asia, but also in North America, Europe and South America. May mga counterparts at partners sila sa iba't ibang panig ng mundo.

SU specialized primarily in anti-terrorism, kidnap-for-ransom cases, at mga classified government missions both locally and internationally. Kapag may importanteng taong dumarating sa bansa tulad ng Santo Papa, mga presidente ng ibang bansa, mga visiting royalty at mga dignitaries, sa SU kumukuha ng security detail ang gobyerno.

"Hey, Luck," bati ni Jett sa kanya. Tuloy-tuloy ito sa pantry at nang lumabas ulit ay may dala ng malamig na bote ng beer. Ibinagsak nito ang sarili sa isang sofa.

"Damn, grabe talaga ang init sa labas."

"Dala mo na ba?" diretsong tanong niya.

"Yup." Inilapag nito sa center table ang isang brown envelope. "Everything you want and need to know is in there."

Dinapot niya ang envelope at tiningnan ang laman. May mga pictures at mga dokumentong naglalaman ng mga impormasyon.

"May private island si Nico sa Visayas. Confirmed. She's there, all right. Laila San Diego."

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon