35

37.7K 1.7K 714
                                        

"KATE!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"KATE!"

Tumakbo si Kate payakap sa kanyang ina. "Mom! Si Lucky..."

"Hija, ano ba'ng nangyari?"

Humihikbi niyang sinabi sa ina ang mga nangyari. Ito at si DL ang una niyang tinawagan kanina nang dinala ng mga paremedics sa ospital si Lucky. Hindi niya alam ang gagawin. Para siyang mamamatay sa takot at pag-aalala.

Maya-maya'y humahangos ring dumating ang kanyang Daddy. Tinawagan marahil ito ni DL.

"Ano'ng nangyari?" Usisa naman ng Daddy niya.

Walang alinlangang yumakap siya sa ama. "There has been an accident at the Polo Club, Dad. Lucky fell from his horse at nadaganan siya," imiiyak niyang sumbong dito. "They are attending to him now. Hindi ko pa nakakausap ang doctor." Halos hindi siya makahinga sa sobrang tensiyong nararamdaman.

She was seldom in hospitals and almost never saw injured people. First time niyang makaranas nang ganito na malapit sa kanya ang taong naaksidente at dinala sa ospital.

"Calm down, hija," anang Mommy niya habang hinahagod ang likod niya. "Baka mapaano ang apo ko." Her mother's tone had a bit of a challenge in them, as though daring her husband to cross her on the matter. Hindi naman nag-react ng kung ano ang Daddy niya, na lubos niyang ipinagpapasalamat.

She was so happy both her parents were with her in these moments.

Maya-maya pa'y napuno na ng mga DeLeste ang waiting area malapit sa emergency room. Lahat ay worried na worried kay Lucky. Overcrowded na ang lugar dahil may iba pang inaasikasong mga pasyente ang mga doctors sa ER.

Naroon ang mga kaibigan ni Lucky na naglaro kanina sa Polo field, tensiyonadong naghihintay sa isang parte ng waiting area, mahinang nag-uusap. Sumabay siya sa sasakyan ni Alexis kanina, at sinundan nila ang ambulansiyang nagdala kay Lucky sa hospital. Kanina ay nasa loob siya ng ER kasama ni Alexis at gusto nilang makita ang ginagawa kay Lucky, ngunit pinalabas sila ng mga nurses at nakakaabala raw sila roon. Napilitan silang lumabas.

Makalipas ng halos dalawang oras, lumabas ang attending physician ni Lucky. Agad silang humangos palapit dito.

"Doc, kumusta siya? Is he alright? Tell me he's all right, please?" sunod-sunod na usisa niya rito.

Bumuntong-hininga si Dr. Librojo. Kakilala ito ng pamilya niya. "Kate, I will level with you. Lucky's CT Scan results say he has several broken ribs, a dislocated shoulder, punctured spleen and lungs, and a lot of bruises. He has been intubated. He may need a blood transfusion. But those are the least of our concerns. Nagkaroon siya ng massive head trauma and he has not regained consciousness."

"He has not regained consciousness, Doc? What does that mean? Is he...?"

"He is in a coma. There's a bleeding in his brain, and we will know what needs to be done after we hear from the neurosurgeon within an hour. Meanwhile, we will operate on his other injuries ASAP."

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon